Maxene ipinasilip ang Siargao trip kasama ang rumored BF

Maxene Magalona ipinasilip ang Siargao trip kasama ang rumored BF

Pauline del Rosario |April 25,2024
facebook
share this

Maxene Magalona ipinasilip ang Siargao trip kasama ang rumored BF

Pauline del Rosario - April 25, 2024 - 10:30 AM

Maxene Magalona ipinasilip ang Siargao trip kasama ang rumored BF

PHOTO: Screengrab from Instagram/@maxenemagalona

MUKHANG enjoy na enjoy ang aktres na si Maxene Magalona sa first-ever trip niya sa Siargao Island.

Sa Instagram, ibinandera ni Maxene ang isang compilation video na ipinapakita ang ilang masasayang moments nila ng rumored non-showbiz boyfriend na si Geoff Gonzalez.

Mapapanood na nag-roadtrip sila habang nakasakay sa motor, nagbabad sa araw sa dalampasigan at nag-yoga sa isla.

Baka Bet Mo: Ellen nakilala na ang rumored dyowa ni John Lloyd, wish niya sa ex-BF: ‘Sana naman happy and harmonious din ang relationship nila’

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Maxene Magalona (@maxenemagalona)

Maliban diyan, dumalo rin sila sa kasal ng mag-asawang Angelica Panganiban at Gregg Homan.

“From the day we arrived safely in Siargao all the way to the after party where we jumped in the pool, everything that happened at the wedding of Gregg and Angelica felt like it was meant to be,” sey ni Maxene sa hiwalay na Instagram post.

Ani pa niya, “Definitely one of the most organic and authentic weddings I’ve ever attended.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Maxene Magalona (@maxenemagalona)

Hindi ito ang unang pagkakataon na naka-bonding nina Maxene at Geoff ang mag-asawa dahil nagkasama na sila sa isang beach trip sa Zambales noong Pebrero.

Matagal nang nababalita na nakatagpo na ng bagong pag-ibig si Maxene at may mga nagsasabing may anak na mula sa dating karelasyon ang rumored boyfriend.

Dalawang taon nang single ang aktres matapos ang paghihiwalay nila ng dating asawang si Rob Mananquil.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Halos apat na taon din silang nagsama bilang mag-asawa.

Dalawang beses silang ikinasal, ang una ay sa pamamagitan ng intimate church wedding sa Santuario de San Antonio Parish sa Forbes Park, Makati City, noong January 8, 2018.

Ang ikalawa ay sa isang beach wedding sa Boracay noong January 11, 2018.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending