Apo Whang-od nakaiskor uli, kargada ni Anjo Pertierra dinaklot

Apo Whang-od naka-score uli, ‘likas na yaman’ ni Anjo Pertierra dinaklot

Ervin Santiago |April 23,2024
facebook
share this

Apo Whang-od naka-score uli, ‘likas na yaman’ ni Anjo Pertierra dinaklot

Ervin Santiago - April 23, 2024 - 01:00 PM

Apo Whang-od naka-score uli, 'likas na yaman' ni Anjo Pertierra dinaklot

Apo Whang-od at Anjo Pertierra

NAKA-SCORE na naman ang legendary mambabatok na si Apo Whang-od matapos mahipo ang “likas na yaman” ng TV host-athlete na si Anjo Pertierra.

Ang “Unang Hirit” host at weather presenter ng GMA 7 ang latest addition sa mga lalaking “nadaklot” ni Apo Whang-od matapos magpa-tattoo sa kanya.

Mismong si Anjo ang nagbandera ng kanyang mga litrato sa social media na kuha nang magtungo siya sa Buscalan, Kalinga para magpa-tattoo kay Apo Whang-od, ang itinuturing na pinakamatandang mambabatok o tattoo artist sa Pilipinas.

Baka Bet Mo: Apo ng pinakamatandang mambabatok umalma: ‘Warning! Whang Od Academy is a scam!’

“Ibang klase talaga ang Pilipinas! Ang daming yaman na nakapaligid, na kailangan mong suyurin para makita at ma-experience! 12 hours of land trip was so worth it,” ang caption ni Anjo sa kanyang Instagram post.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Anjo Pertierra (@anjopertierra)


Sabi pa ng binata, ibang-iba raw pala talaga ang feeling kapag nakita mo na up close and personal si Apo Whang-od na hindi lang sa Pilipinas kilala kundi maging sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

“Ibang pakiramdam kapag nakita, nakausap at nakapag pa tattoo ka sa nag iisang Apo Whang-od.

“Isa sa yaman ng Pilipinas na kailangang ingatan at protektahan!” ang bahagi pa ng caption ni Anjo sa kanyang IG post.

Makikita sa isang photo na ipinost ng Kapuso TV host ang ginawang “paghipo” ng makasaysayang mambabatok sa kanyang private part tulad ng nakasanayan na nitong gawin sa mga lalaking nagpapa-tattoo sa kanya.

Baka Bet Mo: Vice Ganda pinaaga ang Pasko sa ‘It’s Showtime’, pina-add to cart lahat ng wish ng staff

Siyempre, halos mamatay na naman sa inggit kay Apo Whang-od ang mga netizen, lalo na ang mga nagpapantasya kay Anjo. Narito ang ilan sa mga nabasa namin sa comments section.

“Ngayon ko lang nakitang ngumiti si apo whang-od ng ganyan ah!”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Anjo Pertierra (@anjopertierra)


“Ang suwerte naman ni apo whang-od lods, nahimas nya ang likas na yaman mo!”

“Dinakot pre hahaha!”

“Hawak na ni apo ang likas na yaman!”

“Sana all na lang. Napatayo ba niya yan?”

“Ang saya ni Whang-Od!”

“Hayyy gusto ko na lang manirahan sa Buscalan at maging mambabatok!”

“Mapapa sana all ka nalang talga haahah kotang kota ka na apo wang odd.”

“Nakaiskor na naman si apo haha.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ilang linggo na ang nakararaan nang mag-viral din ang ginawang panghihipo ni Apo Whang-od sa Ultimate Heartthrob na si Piolo Pascual matapos din itong magpa-tattoo sa kanya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending