Janella inisa-isa ang rason sa na-cancel na concert; may ispluk kay Jane

Janella inisa-isa ang rason sa na-cancel na concert; may ispluk kay Jane

Jane de Leon at Janella Salvador

WALA pang kasiguruhan kung kailan matutuloy ang napurnadang concert ni Janella Salvador na nakatakda sanang ganapin noong April 19 sa New Frontier Theater sa Quezon City.

Bahagi ito ng 10th anniversary celebration ni Janella sa entertainment industry at regalo nga niya sa lahat ng kanyang fans and supporters.

Baka Bet Mo: Vice nanghinayang, ‘di na matutuloy ang dream project nila ni Jaclyn Jose

Ayon sa Kapamilya actress-singer, kung  maaayos daw ang lahat ng kailangang gawin para sa “Janella: Reimagined” ay baka raw matuloy na ito sa September.


Sa panayam ng ilang members ng showbiz press sa talent manager ni Janella na si Manny Valera, nagkasakit daw kasi ang anak ng aktres na si Jude kaya kinailangan nilang i-postpone ang concert.

“Na-move nga ‘yung concert ko. There’s no definite date yet on when siya matutuloy ulit. But hopefully, hopefully September. I don’t know,” sabi ni Janella sa kanyang Instagram Live last Friday.

Esplika pa ni Janella, “Ang dami talangang nangyari, when I was supposed to be preparing for the concert.

“And, obviously, I don’t wanna give you guys a half-baked performance. So, kung magko-concert ako, siyempre I wanna be able to give my 100 percent. I wanna be really prepared for it,” sabi pa ni Janella.

Baka Bet Mo: Andrea Brillantes hugot na hugot: ‘We’re gonna buy toys kasi lagi kaming pinaglalaruan, e!’

Patuloy pa niya, “Also, hindi rin kami nakapag-promote masyado ng single ko (Headtone), ng music ko.

“And I understand that you guys are gonna be like, ‘Who would wanna buy a concert ticket if matagal nang walang release ‘yung artist na ‘yun?’ I totally get it.


“So, that’s also my plan talaga. Gusto ko talaga mag-release ng music bago mag-concert. So, that’s what we’re gonna be working on right now. I’m gonna be fully working on my music leading up to the concert,” paliwanag pa ng celebrity mom.

Samantala, siniguro naman ni Janella na matutuloy pa rin ang movie nila ng kanyang kaibigan at “Darna” co-star na si Jane de Leon, ang “How To Be A Good Wife.”

“Matutuloy naman ‘yung film. It’s just that, may mga inaayos, production concerns. Yeah, we don’t have a definite schedule yet of when we’re gonna shoot. Hopefully, soon. Definitely this year,” aniya pa.

Ang “How To Be A Good Wife” ay ididirek ni Jun Robles Lana.

Read more...