Vice nanghinayang, 'di na matutuloy dream project nila ni Jaclyn

Vice nanghinayang, ‘di na matutuloy ang dream project nila ni Jaclyn Jose

Ervin Santiago |March 06,2024
facebook
share this

Vice nanghinayang, ‘di na matutuloy ang dream project nila ni Jaclyn Jose

Ervin Santiago - March 06, 2024 - 01:37 PM

Vice nanghinayang, 'di na matutuloy ang dream project nila ni Jaclyn Jose

Jaclyn Jose at Vice Ganda

MALUNGKOT at nanghihinayang si Vice Ganda na hindi na kailanman matutuloy ang dream project niya kasama si Jaclyn Jose.

Nai-pitch na raw ng Phenomenal Box-Office Star sa mga taga-Star Cinema ang naisip niyang pelikula na sana’y pagbibidahan nila ng yumaong veteran actress.

Nagluluksa rin ngayon si Vice sa biglaang pagpanaw ng Cannes Film Festival Best actress at tulad ng lahat, matinding kalungkutan at pangungulila rin ang kanyang nararamdaman.

Nagkasama sina Vice at Jaclyn sa Metro Manila Film Festival 2018 entry na “Fantastica” kung saan nakasama rin nila sina Dingdong Dantes at Richard Gutierrez.

Baka Bet Mo: Gwendolyne Fourniol tuloy ang laban sa Miss World after 2 years delay

“Iba ‘yung lungkot na naramdaman ko bukod sa siyempre, wala na siya. Meron kasi akong dream project din with her, na pinitch ko sa isa sa mga ano sa Star Cinema.

“Gusto ko ‘yung parang indie type na movie, pero comedy. Comedy na drama na serious na indie type na mag-nanay kami. ‘Maganda ‘yan’, sabi nila, for a change. Sabi ko, gusto ko ito, for ano lang, gusto kong magkaroon ng ganitong pelikula. Eh, hindi na siya matutuloy,” ang pahayag ni Vice sa panayam ni MJ Felipe.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Nakakapanghinayang, kasi gusto ko talaga ‘yung dalawa kami, ‘yung dalawa kaming bida,” aniya pa.

Baka Bet Mo: Jaclyn Jose itinuring nang tunay na anak si Coco; tinupad ang hiling

“Ang gusto kong project, dalawa kaming bida na mag-nanay na may kakaiba kaming dynamics. Kasi napanood ko ‘yung (Kalel, 15), gustung-gusto ko ‘yung pagiging nanay niya doon.

“Sabi ko, gusto ko na magkaroon ng ganiyang nanay sa pelikula. Yung nanay na minumura ako, ‘yung ganoon,” sey pa ni Vice.

Paglalarawan naman niya sa yumaong aktres, “Mabait siya talaga, mahusay siyang makisama, hindi siya nakakatakot. Mapagbigay siya.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sumakabilang-buhay si Jaclyn Jose nitong nagdaang Sabado, March 2, sa edad na 60.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending