Derrick gustong pakasalan si Elle, pero wala pang balak mag-propose

Derrick gustong pakasalan si Elle, pero wala pang balak mag-propose

Elle Villanueva at Derrick Monasterio

KASING-INIT ng summer ang palitan ng kuro-kuro ng mga Marites at mga viewers kung sino nga ba ang ama ng anak ng ni Amira (Elle Villanueva) sa revenge drama na “Makiling.”

Ngayong nabunyag na buhay pala ang anak ni Amira, bukod sa asaan ito ay isa pang tanong ang bumabagabag sa Makiling viewers: Sino ang ama?

Automatic daw na si Alex (Derrick Monasterio) ito para sa #TeamAlex dahil siya naman ang nobyo noon ni Amira bago pa man nalagay sa panganib ang buhay ng ating bida.

Baka Bet Mo: Elle Villanueva sa pambu-bully: Grabe! Feeling ko, inabuso na talaga ako

Pero siyempre hindi patatalo ang #TeamSeb. Dahil na rin nga ilang ulit pinagsamantalahan ni Seb (Kristoffer Martin) si Amira noon, may teorya ang Seb-Amira shippers na siya ang naging ama ng ipinagbuntis ni Amira.


Bukod sa paghanga ng viewers sa pinapakitang akting ni Elle sa kanyang serye, tila marami rin ang kinikilig sa chemistry nina Elle at Kristoffer, ha!

Wish nga ng ilan, sana raw may next project sila together na sila ang magkatambal. Naku, ano naman ang masasabi ng #TeamAlex dito?

Baka Bet Mo: Pagpasok noon ni Elle Villanueva sa showbiz hinarang: Noon ko pa gustong mag-artista pero strict ang parents ko

Patindi na nga nang patindi ang episodes sa “Makiling”, na patuloy na namamayagpag sa GMA Afternoon Prime.

Samantala, tatlong taon nang “together” sina Derrick at Elle at mas nagiging solid pa raw ang kanilang samahan habang dumadaan ang panahon.

“Dati bata ako, pero nang makilala ko siya, wala, nag-mature,” ani Derrick na sa edad na 28 ay umaming napag-uusapan na rin nila ni Elle ang mag-settle down.

“Siyempre, 28 na po ako. Gusto ko kahit paano, kapag tumanda ako, makaka-basketball ko pa rin ang anak ko,” aniya.

Ngunit ipinagdiinan ni Derrick na hindi pa mangyayari ang proposal anytime soon,  “Siyempre, gusto ko po na stable ako, may sarili akong house. Kasal kami.”

“As much as possible, ang ginagawa lang po namin, nag-aaral kami ng acting. Pinapagaling lang namin ang sarili namin. Hopefully, kami pa rin po ang magkasama sa next soap,” aniya pa.

* * *

Good news para sa sports enthusiasts dahil pwede nang mag-tune in sa pinakaunang sports podcast ng GMA Network — ang “Game On!”

Hosted by Martin Javier, Anton Roxas, at Coach Hammer Antonio, tampok sa “Game On!” podcast ang mga kuwento, interviews, at special features sa mga atleta, coaches, at iba pang sports luminaries.


Nitong April 12 unang umere ang pilot episode ng podcast kung saan pinag-usapan ng podcast hosts kung sino ang mga dream guest nila sa kanilang show. Ilan sa mga nabanggit nila ay ang basketball superstar na si LeBron James, DLSU coach Ramil de Jesus, PBA player CJ Perez, volleyball player Michelle Gumabao, NCAA executives, at syempre ang Philippine basketball Living Legend na si Robert Jaworski.

Tuwing Biyernes, may bagong episode sa “Game On” na available sa Spotify, Apple Podcasts, Google Podcasts, at iba pang social media platforms ng GMA Sports, GMA Integrated News, at GMA Synergy.

Huwag palampasin ang masayang kuwentuhan at talakayan tungkol sa sports tuwing Biyernes kasama sina Martin, Anton, at Coach Hammer!

Ang “Game On!” podcast ay produced ng GMA Integrated News, in collaboration with GMA Regional TV and Synergy.

Read more...