Jayda winarla sa sagot kung niligawan ba ni Seth Fedelin

Jayda winarla sa sagot kung niligawan ba ni Seth Fedelin

Therese Arceo |April 19,2024
facebook
share this

Jayda winarla sa sagot kung niligawan ba ni Seth Fedelin

Therese Arceo - April 19, 2024 - 08:49 PM

Jayda winarla sa sagot kung niligawan ba ni Seth Fedelin

PINUTAKTE ng mga bashers ang actress-singer na si Jayda Avanzado matapos ang kanyang naging sagot kung nanligaw ba sa kanya ang Kapamilya actor na si Seth Fedelin.

Sa kanyang naging panayam sa showbiz columnist na si Cristy Fermin nitong Miyerkules, April 17, ay natanong kung nanligaw ba sa kanya si Seth.

“Ito na lang po ang sasabihin ko, no comment na lang po,” saad ni Jayda.

Sagot naman ni Nanay Cristy, “Ok. Alam ko na ‘yung mga no comment na ‘yan. Sa tagal ko na sa showbiz… limang dekada na rito, alam ko na ‘yang mga no comment.”

Baka Bet Mo: True ba, Francine nagalit kay Jayda dahil nagpa-picture kay Andrea?

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Agad namang nag-trending si Jayda sa X (dating Twitter) dahil marami sa mga fans ng tambalang Francine at Seth o FranSeth ang nainis sa dalaga.

Mayroon ring nag-react na mga fans ni Andrea dahil muli na namang nauugnay ang kanilang idolo kay Francine.

Tila binuksan raw kasing muli ni Jayda ang fan wars sa pagitan nina Andrea at Francine.

“mukang mamatay lalo career netong batang to, tapos cristy fermin pa pinili nyang platfrom para magaganito goodluck,” saad ng isang netizen.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Comment ng isa, “Jayda and Cristy Fermin reopened the rift between Andrea and Francine. Francine was minding her own business until that interview. She doesn’t care about Andrea and Jayda anymore. Yall want Andrea to be victim so bad.”

“di ako fan ng kung sino man involved but i dont think na she was smiling. i noticed her facial expression nung sinabihan ni cristy fermin na maldita si francine. also pinapanood ko ung facial expressions niya nung binabasa ung hate comments, i think she’s keeping her face neutral,” depensa naman ng isa kay Jayda.

Samantala, sa kanyang interview sa “Fast Talk With Boy Abunda”, sinabi niyang bukas siya sa pakikipag-ayos kay Francine.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending