Vice Ganda, Direk Jun sanib-pwersa sa bagong movie project

Vice Ganda, Direk Jun Robles Lana sanib-pwersa sa bagong movie project

Reggee Bonoan |April 19,2024
facebook
share this

Vice Ganda, Direk Jun Robles Lana sanib-pwersa sa bagong movie project

Reggee Bonoan - April 19, 2024 - 03:54 PM

Vice Ganda, Direk Jun Robles Lana sanib-pwersa sa bagong movie project

PHOTO: Screengrab from YouTube/ABS-CBN News

BAGO magsimula ang “ENLIGHTEN: The IdeaFirst Film Festival” nitong April 12 to 14, nabanggit ng isa sa producer at direktor na si Perci M. Intalan na pinag-uusapan pa lang nila ng co-producer niyang si direk Jun Robles Lana kung ano ang plano sa movie project kay Vice Ganda.

Dapat kasi ay kasama ito noong 2023 Metro Manila Film Festival, pero hindi nagtagpo ang mga schedules ng bawa’t isa kaya hindi natuloy.

Kaya nang maka-tsikahan si direk Perci ng ilang entertainment media at vloggers kung tuloy na ang Vice Ganda project, ang sagot niya, “As of now, wala pang final pero gusto namin.  Kailangang mag-usap ulit sina Jun at Vice.”

Sa huling gabi ng IdeaFirst Film Festival nitong Linggo, April 14 ay muli naming tinanong kung ano ang entry nina direk Perci at Jun sa 50th edition ng MMFF at nag-iisip pa rin daw sila, come what may na lang.

Muli naming tinanong ang tungkol kay Vice at sabi ni direk Perci, “Actually gustong-gusto ni Vice kasi sabi niya gusto niyang gumawa ng iba naman.”

Baka Bet Mo: EXCLUSIVE: Perci Intalan umamin na sa tunay na dahilan kung bakit sila naghiwalay ni Jun Lana

Balik-tanong namin kung kaya ba ni Vice na hindi pakikialamanan ang script ni direk Jun dahil kilalang ayaw rin ng nasabing direktor na pinakikialaman ang gawa niya.

“Well, napag-usapan din ‘yan nu’ng nag-meeting kami nina Vice, Jun at taga-Star Cinema at okay naman sila, parang open naman si Vice sa ganu’n. Lahat naman ng inilatag naming okay sila no’n,” kuwento ni PMI (tawag namin kay direk Perci).

May nagbiro pang kasamahan naming sa media na, “Finally, makakagawa na si Vice ng pelikulang hindi matatawag na basura.”

Ito rin ang isa sa hinaing ni Vice na sa tuwing gagawa siya ng pelikula ay laging may komento na “trashy or poor quality” ang pelikulang ginagawa niya pero kumikita o blockbuster naman.

At dahil dito ay gusto na rin daw gumawa ng The Unkabogable Star ng maayos na pelikula na hindi siya sasabihang “basura ang mga pelikula niya” dahil nakakasama nga naman ng loob.

Kaya nang mag-pitch daw ang IdeaFirst producers/directors kay Vice ay nagustuhan kaagad ito ng TV host-comedian ‘yun nga lang hindi natuloy last year.

At mukhang tuloy na tuloy na dahil nag-post na mismo ang ABS-CBN Film Productions (Star Cinema) sa kanilang social media accounts ng larawan ni Vice na may nakalagay na, “Vice Ganda in a film by Jun Robles Lana, And the Breadwinner is back…”

Habang ang nasa caption ay, “MEME VICE IS BACK! Vice Ganda and Jun Robles Lana officially announce ‘And the Breadwinner Is…’ coming soon exclusively in cinemas this year!”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by ABS-CBN Films, Star Cinema (@starcinema)

Kaagad kaming nag-message kay direk Perci kung paano ang usapan nina Vice at direk Jun sa script at kung may collab ba ang dalawa, pero hindi pa kami sinagot at baka nasa meeting dahil kaka-post lang naman itong larawan ni Meme.

At ang ganda ng komento ng netizen na si Alexander Duca, “Finally, something relevant film for Meme Vice. Been waiting for a Vice Ganda film na hindi puro kababawan. Hopefully Jun Lana would be able to capture both the charm of Vice’s wit and his expertise in making socially relevant comedies.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Halos lahat ay binabati si Vice na finally gagawa ng project kay direk Jun Lana.

Hmmm, ngayon palang nakikinita na naming blockbuster ito dahil maraming naka-miss kay Vice during MMFF.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending