Joey: Huwag niyo kaming pagsabungin!

Joey: Mahal namin ang Showtime, huwag n’yo kaming pagsabungin!

Ervin Santiago |April 19,2024
facebook
share this

Joey: Mahal namin ang Showtime, huwag n’yo kaming pagsabungin!

Ervin Santiago - April 19, 2024 - 12:35 PM

Mahal namin ang Showtime, huwag n'yo kaming pagsabungin!

HUWAG n’yo kaming pagsabungin! Magkakaibigan din kami!” Yan ang pahayag ni Joey de Leon patungkol sa labanan sa ere ng “Eat Bulaga” at “It’s Showtime.”

Pinagpipiyestahan kasi ngayon sa social media ang matapang na statement ni Joey sa kumakalat na chika na nalulugi na raw ang TVJ Productions kaya malapit na raw matsugi ang show nilang “Eat Bulaga” sa TV5.

Sabi ni Joey, “Heto muna ang hamon ko, umabot lang kayo ng 15 years, baka luluhod ako sa harap niyo. Fifteen lang ha, hindi 50 years.

“Bastusan na kasi ang labanan, e. Bastusan na, siraan, walang kuwenta. Enjoy lang tayo. Umabot muna kayo ng 45 years. Longest-running, Top 5 in the world.

“Mainggit kayo! Bakit kayo ganyan? Ang sasama ng ugali ninyo,” sabi pa niya.

Baka Bet Mo: Teddy Corpuz pinalagan ang bashers ng ‘Showtime’: ‘Huwag ka manira!’

Ayon sa TV at movie icon, hindi raw nila pinariringgan at inaaway ni Tito Sotto ang mga taga-“Showtime” kundi ang mga content creators na nagpapakalat ng fake news sa socmed.

Sa kanyang Instagram at X account (dating Twitter), naglabas ng video si Joey na may titulong “Isang paglilinaw” kung saan ipinaliwanag niya ang mga naging pahayag nila ni Tito Sen laban sa mga nagpapakalat ng pekeng balita about their show.

“Para matapos lang ang mga usap-usapan. Unang-una, hindi namin kaaway ang It’s Showtime. Matagal na naming kapitbahay yun. Hindi nila kami tinitira. Hindi rin namin sila tinitira.

“Ang pinapatungkulan namin ni Tito noong nagalit kami sa Eat Bulaga, ay yung mga social media na nagpo-post. Kaya hinamon ko ng 15 years yun mga nagpo-post na yun. Hindi ‘Showtime.’

“Happy anniversary Showtime. Fifteen years na nga yung ‘Showtime’ bakit ko hahamunin yun?

“Mahal namin ang Showtime dahil kasabayan namin yan. Dalawa na lang kami. Huwag ninyo kaming pagsabungin! Magkakaibigan din kami,” ang simulang pagbabahagi ni Joey.

“Ang pinaparinggan namin ni Tito ay yung mga post na magsasara na raw kami. Dadalawa na lang yung show isasara pa yung isa?

“Hindi sa pagmamayabang. Longest-running at top five nga sa mundo eh (ang Eat Bulaga). Kaya thank you. Kasama kayo sa honor na yun.

“Kaya inuulit namin. Yung galit namin ni Tito, mga Dabarkads at sama ng loob, doon sa mga nagpo-post na hindi sa free TV, mga nagpo-post sa social media. Mga salbahe run.

“Kaya para malinaw. Talagang luluhod ako at didipa pa ako kung maka 15 years yung mga tsismoso na yun. Yung mga sinungaling na yun!

“Pero yung ‘Showtime,’ we love you! Hindi kami magkaka-away at nagta-trabaho lang kami. Yun lang yun. Ganun lang kalinaw. Kasi hahaba pa ito eh,” lahad pa ni Joey.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pagpapatuloy pa niya, “Yung iba naglalagay na ng kulay. Pinagsasabong na kami. Nagta-trabaho lang kami at dalawa na lang kaming lunch shows. We love each other. Matagal na dekada na kaming magkapitbahay.

“Yun lang po. Yung mga nagpo-post na sinungaling sa social media, yun ang mga bwisit. Yun ang pinapatungkulan namin. Okay?” aniya pa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending