Heaven, Marco nag-presscon sa loob ng bus 'from QC to Alabang'

Heaven, Marco nag-presscon sa loob ng umaandar na bus ‘from QC to Alabang’

Ervin Santiago - April 19, 2024 - 10:56 AM

Heaven, Marco nag-presscon sa loob ng umaandar na bus 'from QC to Alabang'

Marco Gallo, Heaven Peralejo

ANG saya-saya ng paandar na gimik ng Viva Entertainment para sa presscon ng bagong movie ng tambalang Heaven Peralejo at Marco Gallo.

Ang tinutukoy namin ay ang pelikulang “Men Are From Quezon City, Women Are From Alabang” mula sa direksyon ni Gino M. Santos.

Nag-provide ng napakalaking private bus ang production para sakyan ng invited press people mula sa Quezon City patungong Alabang kung saan magaganap ang mediacon ng movie.

Ang plot twist, kasabay bumiyahe ng mga inimbitang media sina Heaven at Marco kung saan game na game nilang sinagot ang ilang nakakaintrigang tanong sa pamamagitan ng “Truth Or Dare” challenge.

Baka Bet Mo: Heaven unti-unti nang inilalantad ang relasyon nila ni Marco: ‘Gusto kong protektahan kung anuman ‘yung meron ako sa personal life ko’

Tinanong namin ang rumored couple kung naranasan na ba nilang mag-commute at may mga unforgettable moments ba silang naaalala nu’ng sumakay sila sa mga public transportation.

Pareho nang nakapag-commute sina Heaven at Marco at okay naman daw ang naging experience nila, pero katulad ng iba pang mga commuter, nakaranas din silang makipagsiksikan.

Kuwento ni Marco, ang palagi niyang sinasakyan noong nagsisimula pa lang siya sa showbiz ay ang MRT – mula sa Ayala Station sa Makati City hanggang sa GMA 7 Kamuning Station sa Quezon City.

Aniya, tuwang-tuwa siya sa pagsakay sa MRT dahil halos 20 minuto lang tumatagal ang kanyang biyahe kaya hindi siya nale-late sa kanyang mga commitments.

Natatandaan naman ni Heaven ang pagsakay niya ng bus kasama ang tatay niya sa may Megamall kapag umuuwi sila sa Bulacan.

In fairness, nae-enjoy naman niya ang pagko-commute kahit na kailangan nilang pumila. Na-try na rin niyang sumakay sa jeep at tricycle.

At sey ni Heaven, hanggang ngayon ay keribels pa rin niya ang sumakay sa mga PUV kung kinakailangan. Sa katunayan, kapag nagbabakasyon daw siya sa Siargao ay nagta-tricycle talaga sila.

Naranasan na rin daw ng aktres ang mahawakan at mabangga nang hindi sinasadya dahil sa pagsisiksikan ng mga pasahero. Knows naman daw niya ja kasama talaga yun sa pagko-commute.

May konek ang naganap na pa-presscon nina Heaven at Marco habang bumibiyahe ang sinasakyan naming bus sa pelikula nilang “Men Are From Quezon City, Women Are From Alabang”.

Tungkol kasi ito sa dalawang tao na nagkakilala at nagkarelasyon sa kabila ng napakalayong distansiya ng kanilang mga bahay.

Hango sa best-selling book ni Stanley Chi na may kaparehas ding title, ang “Men Are From QC, Women Are From Alabang” ay kwento ng magkarelasyon na magkakalabuan dahil haharapin nila ang ilang pagsubok tungkol sa paglago, kasiguraduhan sa isa’t isa, seguridad, at ang distansya sa pagitan ng Quezon City at Alabang.

Ito ay kwento tungkol sa love story nina Tino (Marco) at Aica (Heaven) mula sa kani-kanilang point of view.

Sina Tino at Aica ay dalawang magkasalungat na tao na magtatagpo sa trabaho at mahuhulog sa isa’t isa. Kahit na may kanya-kanyang problema at maraming pagkakaiba, hindi nila mapipigilang gustuhin ang isa’t isa at mananatiling matibay ang kanilang relasyon habang sinisimulan ang kanilang buhay sa trabaho.

Pero nang lumipat ng ibang trabaho si Tino, dadaan sa matinding pagsubok ang kanilang relasyon. Mas nagkaroon ng distansya sa pagitan nila, bibigat ang mga responsobilidad sa trabaho, at ang paglalaan ng oras at enerhiya para magkita ay lalong humihirap.

Hanggang kailan magtatagal ang isang relasyon na kulang sa pagpapakita ng emosyon at oras? Tuluyan na lang kaya silang mawalan ng pagmamahal para sa isa’t isa?

Magawan pa kaya ng paraan nina Tino at Aica na sagipin at ayusin pa ang kung anong mayroon sila, o sadyang hindi sila ang para sa isa’t isa?

Isang pelikula mula sa direktor ng hit Viva One series na “Safe Skies, Archer,” ang award-winning director na si Gino M. Santos, ang “Men Are From QC, Women Are From Alabang” ay ang panibagong lead role project ng tambalan nina Marco at Heaven mula sa Sari-Sari Network, MediaQuest Ventures, Studio Viva at Viva Films.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Showing na sa mga sinehan nationwide ang “Men Are From QC, Women Are From Alabang” simula sa May 1.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending