Darren, Jillian magkaibigan, pero nasa ‘getting to know’ stage?

Darren, Jillian magkaibigan daw, pero nasa ‘getting to know’ stage?

Pauline del Rosario |April 19,2024
facebook
share this

Darren, Jillian magkaibigan daw, pero nasa ‘getting to know’ stage?

Pauline del Rosario - April 19, 2024 - 09:01 AM

Darren, Jillian magkaibigan daw, pero nasa ‘getting to know’ stage?

Darren Espanto, Jillian Ward

MATAPOS ang guesting sa noontime show na “It’s Showtime” kamakailan lang, aminado ang singer-actor na si Darren Espanto na naging magkaibigan na sila ngayon ng aktres na si Jillian Ward.

Magugunita noong April 6 nang magkasama ang dalawa sa unang pag-ere ng programa.

Maraming fans ang tila natuwa sa hatid nilang kilig kaya naman agad silang naging top trending topic sa social media.

Dahil diyan, naitanong tuloy si Darren ng King of Talk na si Boy Abunda kung ano ang nararamdaman niya sa positibong reaksyon pagdating sa kanila ni Jillian. 

Ang sagot ng aktor, “Nagulat po kaming dalawa, kasi hindi po namin in-expect [‘yung feedback ng tao].”

Baka Bet Mo: Cristy Fermin sa pagiging ‘single’ ni Darren Espanto: Anong isyu?!

Kasunod niyan ay pinuri niya ang young actress at sinabing nais niya raw itong makatrabaho in the future.

“She has this bright aura. Which is something that I noticed right away when I met her. Saka ano siya, she’s very shy until you get to know her,” kwento ng singer.

Dagdag niya, “Before we parted ways, parang napag-usapan nga namin na sana one day, we could do a collaboration, kasi nagsama kami sa parang corporate event before. Malay po natin, makapag-prod po kami sa Showtime.”

Ibinunyag din ni Darren na si Jillian ang unang nag-follow sa kanya sa social media na siyang ikinagulat daw niya.

“After that episode, I was surprised, kasi siya pa ang unang nag-follow po sa akin, so I followed her back,” pagbabahagi niya.

Nang tanungin naman siya kung nililigawan na niya ang aktres, inamin ni Darren na kinikilala pa nila ang isa’t-isa.

“Hindi naman po. Friends lang. Getting to know each other. Kasi syempre, that’s the first time we ever met po, noong launch sa GMA [ng It’s Showtime],” sambit niya.

Recently lamang nang ibinunyag ni Darren na may past relationships siya with Kyline Alcantara at Jayda Avanzado.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pinabulaanan din ng aktor na may hindi sila pagkakaunawaan ng dating love team na si Cassy Legaspi at iginiit na sila ay mag-bestfriends lamang.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending