Jayda umamin sa naging relasyon nila ni Darren: It was MU po!

Jayda umamin sa naging relasyon nila ni Darren: It was MU po!

Ervin Santiago |April 18,2024
facebook
share this

Jayda umamin sa naging relasyon nila ni Darren: It was MU po!

Ervin Santiago - April 18, 2024 - 08:30 AM

Jayda umamin sa naging relasyon nila ni Darren: It was MU po!

Darren Espanto at Jayda Avanzado

“THERE was something romantic between him and me!” ang pag-amin ni Jayda Avanzado tungkol sa naging relasyon nila noon ni Darren Espanto.

Diretsahang ibinandera ng nag-iisang anak nina Jessa Zaragoza at Dingdong Avanzado na nagkaroon talaga sila ng “espesyal na relasyon” ni Darren several years ago.

Baka Bet Mo: Jayda may hugot sa TOTGA, nilabas ang single na ‘Right Lover, Wrong Time’

Inalala ng Kapamilya singer-actress ang past nila ni Darren nang mag-guest siya sa “Fast Talk with Boy Abunda” sa GMA 7 kung saan kinumpirma nga niya ang naging “mutual understanding” nila ng binata.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jayda (@jayda)


Sa unang bahagi ng panayam ni Tito Boy kay Jayda, nabanggit ng premyadong TV host na tinawag ni Darren si Jayda bilang isa sa mga “best singers” ng bagong henerasyon.

Sinabi ito ng actor-singer sa panayam din ng “Fast Talk” last week

“I was very flattered by that comment. It was nice of Darren,” ang nakangiting reaksyon ni Jayda.

Kasunod nga nito ang tanong sa dalaga kung nagkaroon ba sila ni Darren ng relasyon, “There was something romantic between him and me at one point nu’ng mga bata po kami.”

“It was mutual understanding po, Tito Boy,” dagdag na sagot ni Jayda.

Ipina-explain naman kay Jayda ang kanyang sinabi para mas maging malinaw ang detalye, “It was just mutual and we were vocal sa aming dalawa, we were vocal of that. We were special to each other at one point.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jayda (@jayda)

Sinabi ni Darren sa panayam niya kay Tito Boy na mas gusto niyang gawing pribado na lang ang naging past nila ni Jayda.

Baka Bet Mo: Jayda proud na ibinandera ang 1st investment ngayong 2024: ‘My own condo unit!’

Sey naman ng singer about this mutual understanding, “Depended on the boundaries that you set, pero siguro po with how young we were, I think it was just something na we enjoyed in the moment po.”

Ayon naman kay Darren, “Jayda and I are still friends and I guess I’d like to keep private ‘yung things from the past. Opo, there definitely was but ‘yun lang ang sasabihin ko.”

Matatandaang nag-guest din sina Jessa at Dingdong sa “Fast Talk” kung saan napag-usapan din ang pakikipagrelasyon ng kanilang anak.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Alam namin. Basta nakikinig ako. Nakikinig ako, hinahayaan ko lang siya magkwento lahat tapos sasabihin ko sa kanya na ‘Can I be honest?’ ayon.

“Tapos sasabihin ko rin sa kanya ano ‘yung opinyon ko, kung ano tingin ko sa sitwasyon,” sey ni Jessa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending