Mikee kumita pa ng ilang taon sa crypto bago nabiktima ng sindikato

Mikee kumita pa ng ilang taon sa crypto bago nabiktima ng sindikato

Paul Salas at Mikee Quintos

MARAMING natutunan ang Kapuso actress na si Mikee Quintos matapos mabiktima ng mga scammer gamit ang usung-uso ngayon.

Nagsampa na ng kasong syndicated estafa si Mikee at ang kanyang boyfriend na si Paul Salas laban sa isang crypto group na tumangay sa kanilang savings na aabot sa P8 million.

Kuwento ng dalaga, kumita pa sila sa naturang crypto scheme sa loob ng tatlo hanggang apat na taon ngunit kasunod nga nito ay nalaman nilang sindikato pala ang kanilang ka-deal.

Baka Bet Mo: Mikee Quintos ayaw pasukin ang politika; umaming super na-miss si Kelvin Miranda

Sa panayam ng “Updated with Nelson Canlas” podcast, naibahagi ni Mikee na matagal na silang nakapag-invest sa naturang sindikato.


In fact, nakapag-pull out pa sila ng ilang porsiyento ng kanilang investment nang mag-travek sila ni Paul sa Europe noong 2022.

“Yung deal namin na yun was like monthly compounding 5% yung kikitain doon sa kung magkano yung amount na in-invest mo.

“Tapos na-pull out ko mabilis, dumating sa akin yung money, okay. So, it was a good deal. Parang yun nga, if you count it all yung good experience with the company was around three to four years,” pagbabahagi ng aktres.

Nakapag-invest pa raw sila ng medyo malaking halaga bago nawala ang mga taong kausap nila pati na ang kumpanyang pag-aari umano ng crypto group.

Nalaman pa nila na ang lahat ng ipinapadala sa kanilang projections ng crypto group ay puro edited at hindi talaga totoo.

“Kung kailan buo na trust mo kaya nagbigay ka ng bigger amount, doon niya pala itatakbo, yun pala tactic niya. Mag-aalaga siya ng mga bago ng ilang taon tapos hay yun pinaka huli,” ang masamang-masama pa rin ang loob na kuwento ng aktres.

Baka Bet Mo: Mikee tanggap na kung hindi sila magka-baby ni Alex: ‘Masayang-masaya na ako ‘pag tayong dalawa lang, bonus na lang sa akin ang baby’

Rebelasyon pa ni Mikee, puro Filipino rin ang nambiktima sa kanila at ang ilan ay 22-23 years old lang.


Nagdalawang-isip din daw sila ni Paul na ilantad ang nangyari sa kanila dahil baka sila pa ang sisihin ng mga tao, pero nagdesisyon silang magsalita na upang mabigyang babala ang publiko.

“Sana, sana naman nakakapag-reflect na sila. And on-going naman ‘yung mga kaso namin. Let’s see how it goes,” ani Mikee.

Umaasa rin sila na mababawi ang kanilang investment ngayong nasa korte na ang isinampa nilang kaso.

Paalala naman ni Mikee sa lahat ng taong nabiktima rin ng mga sindikato, “to let go of things you can’t control anymore.”

“It’s pretty useless to hold on to emotions na wala ka namang control na doon, e,” aniya pa.

Tungkol naman sa isyu ng pagtitiwala, “Siguro yung… kahit may trust na na-build, kahit may tiwala ka na sa tao, think twice pa rin.

“Just to double check you know, and to take care of yourself,” dagdag ng dalaga.

Nagsisisi rin daw siya na hindi niya ipinagdasal ang desisyong ginawa niya,  “Pray muna before any big decision. Para makakuha ka ng sign from God kung tama ba yung ginagawa mo or not. Iyon yung biggest lesson ko.”

Read more...