Aktres halos isumpa ng mga dating katrabaho: Nang-iwan sa ere!

TV host-actress halos isumpa ng mga dating katrabaho: Nang-iwan sa ere!

Reggee Bonoan |April 16,2024
facebook
share this

TV host-actress halos isumpa ng mga dating katrabaho: Nang-iwan sa ere!

Reggee Bonoan - April 16, 2024 - 11:20 AM

TV host-actress halos isumpa ng mga dating katrabaho: Nang-iwan sa ere!

Ma-gets n’yo kaya kung sino siya? Guess, guess who na!

NANG umalis ang actress-host sa TV Network kung saan siya sumikat nang husto ay maraming nagalit dahil wala raw siyang utang na loob.

Ang TV network ang naging daan kaya gumanda ang buhay ng aktres kasama ang buong pamilya at maituturing na isa siya sa pinaka-may kayang personalidad ngayon.

Naiintindihan ng mga boss ng network ang TV host-actress kaya’t nagpasabi sila na bukas pa rin ang pintuan ng istasyon sa kanya at dahil dito ay nagpadala ng feeler sa pamamagitan ng common friends nilang managers.

Baka Bet Mo: Jaya umalis na ng Pinas: I’m just saying thank you…basta, babalik na lang ako ‘pag open na lahat

Siyempre maliit lang naman ang industriya ng showbiz na kahit pabulong lang ang tsikahan ay nakarating na sa buong TV network at hindi nagustuhan ng production staff na nakatrabaho si TV host-actress.

Nagsabi sila sa mga namamahala ng mga programang posibleng ibigay sa TV host-actress na magre-resign silang lahat na ikinagulat ng mga bosses dahil ganu’n katindi ang galit ng mga taga-production sa aktres.

Ang katwiran daw ng staff na naka-work si TV host-actress, “Nang umalis siya, naisip ba niya na marami siyang iniwang posibleng mawalan ng trabaho? Mabuti na lang at may sumalo at naging okay pa rin ang show, paano pala kung hindi okay?

“Hindi nag-rate, e, di pinasara kaagad ang programa? Kaya nu’ng araw na umalis siya, ‘yun na rin ang araw na kinalimutan na rin namin siya sa buhay namin,” sabi ng aming source.

Baka Bet Mo: Regine Velasquez na-hurt nang umalis si Jaya: Dapat lagi tayong magkasama

Hmmm, ang tindi ng galit ng staff sa TV host-actress at base sa kuwento ng aming kausap, “Malalim ang iniwang sugat ni ____ (TV host-actress).”

Pero sa pagkakaalam namin ay may mga ginawang tulong din ang TV host-actress sa mga staff sa panahong nangangailangan wila pero hindi na ito pinansin dahil ang mas matimbang ay ang pag-iwan sa kanila sa ere.

Sa kasalukuyan ay okay naman ang karera ng TV host-actress dahil hindi naman siya iniwan ng supporters niya at maging sa social media accounts niya ay nakasubaybay pa rin ang mga ito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

‘Yun nga lang, parang bumaba na ang premium niya ngayon dahil nawala siya sa TV network.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending