Ion kay Vice: Ang pagmamahal ko sa 'yo ay hindi magiging mali

Ion kay Vice: Ang pagmamahal ko sa ‘yo kailanman ay hindi magiging mali

Ervin Santiago |April 16,2024
facebook
share this

Ion kay Vice: Ang pagmamahal ko sa ‘yo kailanman ay hindi magiging mali

Ervin Santiago - April 16, 2024 - 07:00 AM

Ion kay Vice: Ang pagmamahal ko sa 'yo kailanman ay hindi magiging mali

Vice Ganda at Ion Perez

MULING ibinandera ng model-host na si Ion Perez sa buong universe ang kanyang abot-langit pagmamahal para sa asawang si Vice Ganda.

Kasabay nito ang pangako ni Ion na kahit anong mangyari ay patuloy niyang mamahalin at paliligayahin ang TV host-comedian sa abot ng kanyang makakaya.

Baka Bet Mo: Barbie never papayag maging kabit at makasakit ng tao: Ayoko, kasi naniniwala ako sa karma

Nangyari ito sa bonggang 48th birthday celebration ni Vice Ganda na ginanap sa Nueva Ecija, na dinaluhan ng mga kasamahan niya sa “It’s Showtime” at iba pang celebrity friends.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ion Valdez (@pereziion27)


Base sa nakita naming mga photos and videos sa social media, super star-studded ang selebrasyon ng Phenomenal Box-Office Star at talagang pinaghandaan nang bonggang-bongga.

Nandu’n sina Anne Curtis, Jhong Hilario, Vhong Navarro, Kim Chiu, Amy Castillo, Ogie Alcasid, Karylle, Darren Espanto, Teddy Corpuz, and MC at Lassy.

Baka Bet Mo: Hirit ni Pokwang: Dahil ang mga haters ay inggitero’t inggitera, lalo ko silang iinisin! Ha-hahahaha!’

Present din ang Diamond Star na si Maricel Soriano, Dra. Vicki Belo, Hayden Kho, Angeline Quinto, Bella Padilla, Awra Briguela, KaladKaren at  KZ Tandingan.

Naroon din ang ilang ABS-CBN executives sa pangunguna ni President and CEO Carlo Katigbak at Chief Operating Officer Cory Vidanes.

Sa isang video na napanood namin na in-upload ng road manager ni Vice na si Jan Bariuad, ay naglalaman ng message ni Ion.

“Unang-una sa lahat, pinagpapasalamat ko sa Diyos na binibigyan ka pa rin ng malakas na pangangatawan at malinaw na pag-iisip.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ion Valdez (@pereziion27)


“Kasi alam naman ng mga tao rito kung gaano ka mag-isip at kung gaano ka ka-(hardworking) na tao.

“Kasi ‘yun nga sabi nina ate Anne (Curtis), brod Vhong (Navarro), kuya Jhong (Hilario), mga ‘Showtime’ family, alam nila kung gaano ka kasipag na  tao.

“Pero ako, ang masasabi ko lang na paulit-ulit, ‘yung lagi kong ipaparamdam sa iyo ang pagmamahal ko, hanggang kaya ko.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Sabi ko nga maraming rason ang tama para maging mali, pero ‘yung pagmamahal ko sa iyo ay hindi magiging mali,” ang emosyonal na mensahe ni Ion para sa kanyang asawa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending