Lovi Poe 'hiwalay' uli sa asawa; nagpaikli ng hair

Lovi ‘hiwalay’ na naman sa asawa; nagpagupit para sa ‘Guilty Pleasure’

Ervin Santiago |April 15,2024
facebook
share this

Lovi ‘hiwalay’ na naman sa asawa; nagpagupit para sa ‘Guilty Pleasure’

Ervin Santiago - April 15, 2024 - 07:30 AM

Lovi 'hiwalay' na naman sa asawa; nagpagupit para sa 'Guilty Pleasure'

Monty Blencowe, Lovi Poe, Jameson Blake at JM de Guzman

NAPAKASWERTE ni Lovi Poe sa pagkakaroon ng asawang super understanding at walang kaselos-selos sa katawan.

“Hiwalay” na naman kasi ang Kapamilya actress sa kanyang mister na si Monty Blencowe dahil nasa Pilipinas uli siya para tapusin ang mga natanguang commitments dito.

After gumawa ng Holywood film, balik-Pinas na naman si Lovi Poe para tapusin ang isa sa mga pelikula niya sa Regal Entertainment na “Guilty Pleasure” kung saan makakatambal niya sina JM de Guzman at Jameson Blake.

Ilang buwan din siyang mananatili sa bansa kaya LDR o balik-long distance relationship na naman sila ni Monty Blencowe.

Baka Bet Mo: Aiko, Carmina, Gelli nakahalik na ba ng kapwa babae…dyuminggel na ba sa pool?

Pero kuwento ng award-winning actress,  bibisitahin naman das siya ng kanyang mister next month kaya looking forward na siya sa pagdating ng May.

Sey ni Lovi sa panayam namin sa kanya kasama ang ilang piling members ng entertainment media, proud at excited din si Monty sa mga ginagawa niyang bagong projects.

Natutuwa rin ang aktres na sa kabila ng pagkakaroon niya ng asawa ay nagagawa pa rin niya ang mga bagay na mahal na mahal niya, kabilang na nga riyan ang pag-arte.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Alam naman niya ‘yung line of work ko, there’s no need for approval, he respects my job, and then ‘yun, he’s very excited for me nga na parang for me to do this project.

“Kasi nga it’s been a while and we got to spend some time together during Christmas so, sabi ko, it’s time to get back to work,” ang chika ni Lovi sa mediacon ng “Guilty Pleasure.”

Baka Bet Mo: Lovi Poe hindi lalayasan ang showbiz career sa Pinas kahit magkaroon na ng asawa’t anak

Kuwento pa ng aktres, medyo adjusted na rin daw silang mag-asawa sa set-up nila ngayon kung saan pababalik-balik siya sa Amerika at Pilipinas para sa kanyang trabaho.

“Mahirap pero kung gugustuhin, magagawan naman ng paraan. I’m just very happy that I have the support of my husband who pushes me to do what I want,” sabi ni Lovi.

Samantala, gaganap na lawyer sina Lovi, JM at Jameson sa “Guilty Pleasure” mula sa direksyon ni Connie Macatuno, at sa panulat nina Noreen Capili at Trisha Mae Daez.

Para sa kanyang role sa movie, talagang nagpabago ng hairstyle ang aktres na medium length at in fairness, bumagay naman ito sa kanya at nagmukha talaga siyang magaling na abogada.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sabi naman ng producer ng pelikula na si Roselle Monteverde, isa sa mga pet project niya ang “Guilty Pleasure” dahil sa tema at konsepto nito na tumatalakay sa women empowerment.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending