Aiko, Carmina, Gelli nakahalik na ba ng kapwa babae...dyuminggel na ba sa pool? | Bandera

Aiko, Carmina, Gelli nakahalik na ba ng kapwa babae…dyuminggel na ba sa pool?

Reggee Bonoan |April 14,2021
facebook
share this

Aiko, Carmina, Gelli nakahalik na ba ng kapwa babae…dyuminggel na ba sa pool?

Reggee Bonoan - April 14, 2021 - 06:04 PM

“GUILTY or Not Guilty” ang challenge ni Aiko Melendez sa mga kaibigang sina Carmina Villaroel at Gelli de Belen. Tinawag niya ang kanilang grupo na Power of 3 na naka-upload sa YouTube channel ng aktres.

Ayon sa tatlong aktres nang dahil sa COVID-19 pandemic ay nakakulong lang sila sa bahay dahil nga ayaw nilang maglalabas para makaiwas sa nakamamatay na virus.

Sabi ni Gelli, “Dahil pandemic natuto akong mag-YouTube, sino ba naman ang mag-aakalang magkakaroon ako nito, aliw naman.”

“Ikaw (Aiko) ang nagturo naman sa akin hindi ko ini-expect na magkakaroon ako. Okay pala may iba ako nagagawa,” sambit naman ni Carmina.

At gayun din naman si Aiko na dahil din sa pandemya kaya natutong mag-vlog.

Anyway, ang unang tanong, guilty or not guild, “nagwiwi sa swimming pool.”

“Ay ako, nu’ng bata ako ginagawa ko ‘yan!” sagot kaagad ni Gelli. “Tapos mararamdaman ko, ay bakit mainit.  Siguro mga 6 or 7 years old ako, oh my gosh! Guilty!”

Sabi naman ni Carmina, “Noong bata rin ako!”

Ipinaalala naman ni Aiko, “Di ba nag-Dyesebel ka, so siyempre may mga times na nasa dagat ka naka-suit ka ng Dyesebel, siyempre may times na gusto mong magwiwi, hindi mo inihian ‘yun?”

“(Nag-isip) nire-recall ko parang hindi, before ko isuot ‘yung buntot ko, magwiwi muna ako kasi okay lang kung nasa dagat ako, e, kaso sa buntot ako iihi. Kaya never kong nagawa, saka medyo talent ko ‘yung pagpigil ng wiwi na alam kong hindi dapat, alam kong masama kaya ‘wag n’yo akong tutularan,” kuwento ni Carmina.

Guilty or not guilt, “ever kissed someone of the same sex.”

“Kung magki-kiss ng girl na walang malisya oo, pero kung may malisya, wala,” sagot ni Carmina kaya not guilty siya.

“Wala, hindi ko pa na-try,” sabi rin ni Gelli sabay tanong, “Ikaw ba na-try mo na Aiko? (sabay kanta ng, I kissed a girl and I like it.)

“Not Guilty!” sabi naman ni Aiko.

Hirit ni Gagay, “Sana may ganu’n tayo no?”

Nanlaki ang mga mata ni Aiko, “Na may malisya?”

“Oo para may experience tayo, para may makukuwento tayo, kaso wala akong ganu’n,” saad ni Gelli.

Guilty or not guilty, “had feelings for someone whom you can’t have.”

Guilty si Carmina, “Oo, siyempre di ba, pag may crush ka, ‘yun ang feeling ko, di ba?”

Tawa naman nang tawa si Gelli sa sinabi ni Mina, “Nag-iisip ako, gusto ko talagang magkaroon, pero wala, eh (not guilty).”

Balik-tanong ni Mina, “Kahit crush wala ka (Gelli)?”

“E, meron naman, kaso hindi ‘yun ang ibig sabihin ni Aiko,” katwiran ni Gelli.“E, ikaw Aiko, guilty ka!”

“Ako? Hindi kasi lahat ng gusto ko nakukuha ko, charot!” natawang sagot ng aktres.

Guilty or not guilty, “danced on a table at a bar.”

Halos sabay sumagot sina Gelli at Minsa, “Sa ledge oo, pero sa table hindi.”

Dagdag pa ni Gagay, “Ang taas ng mesa sa Faces (80’s), ang hirap akyatin no’n. Saka lagi ka namang nakatayo. Pag nakatayo ka hanggang dito (dibdib) ‘yun. Aren’t you glad na nu’ng mga panahong ginagawa natin ‘yung mga ganyan ay hindi pa uso ang mga cellphone.

“Imagine na lang kung (uso) ano ang mga video at picture na nakuhanan sa atin noon, oh my God, nakakahiya siguro, buti na lang!” sabi pa niya.

“Not guilty din, sa ledge rin ako ng Faces,” sabi rin ni Aiko.

Samantala, may pinatatanong ang netizens kay Aiko para sa dalawang kaibigan niya, “what is your least favorite about your bff.”

“Least favorite? Wala, eh. Kasi tanggap ko kayo kung sino kayo! Hindi tayo tatagal ng ganito kung hindi ko kayo tanggap. I’m not saying you guys that you’re perfect pero hindi ko siya iniisip, eh.

Of course lahat tayo may flaws, but as I’ve said, tanggap ko ‘yun,” sabi ni Carmina.

Say naman ni Gelli, “Oo, nga. Siguro I don’t see you often enough both of you ganu’n lang.  pero nothing to that effect kasi parang at this point in time of our relationship, feeling ko that something na feeling ko we’re so overcome.

“Na-surpass na natin ang lahat ng trials na ‘yan nu’ng umpisa. Nu’ng bata tayo, I’m sure marami tayong isinagot diyan na ganito si ganyan, ganito. Pero ngayon parang it doesn’t matter in time of pandemic, all doesn’t matter,” dagdag niya.

“Sa tingin n’yo, secret ‘yung friendship nating tatlo, kasi sobrang tagal na natin ‘no? Grabe kahit pagsamahin n’yo ‘yung dalawang marriages ko hindi (nawala),” natawang sabi ni Aiko sa mga BFF.

Nagkatawanan din sina Carmina at Gelli.

“Secret natin siguro acceptance ng lahat,” saad ni Carmina.

“Respeto,” sambit naman ni Gelli.

Ano ang most embarrassing moment nila ngayong 2021. Parehong wala ang sagot nina Carmina at Gelli, pero si Aiko ay tawa nang tawa dahil may nangyari sa harap ng boyfriend niyang si Vice Governor Jay Khonghun at napatunayan niyang mahal na mahal siya nito.

Kanya-kanyang hula ang dalawang kaibigan na, “Siguro napupu ka or naihi o nasuka, pero weird naman ata ‘yun?

“Ay alam ko na, nautot ka na may kasamang ebs,” say ni Gelli.

Dagdag ni Mina, “Tama sa kotse niya kulob tapos amoy na amoy.”

Tawa naman nang tawa si Aiko, “Hayaan n’yo na.”

“Tawa siya nang tawa, so feeling ko ‘yun na nga ‘yun. ‘Yun ang sinasabi nating acceptance,” say ni Carmina.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Naalala tuloy namin ‘yung biruan na, “gandang babae pero ututin.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending