Mika Salamanca: ‘Wala talagang nag-cheat sa amin ni H2wo’

Mika Salamanca: ‘Wala talagang nag-cheat sa amin ni H2wo’

Pauline del Rosario |April 11,2024
facebook
share this

Mika Salamanca: ‘Wala talagang nag-cheat sa amin ni H2wo’

Pauline del Rosario - April 11, 2024 - 11:25 AM

Mika Salamanca: ‘Wala talagang nag-cheat sa amin ni H2wo’

PHOTO: Instagram/@h2woofficial

 WALANG third party sa paghihiwalay ng aktres na si Mika Salamanca at professional esports player na si John Paul Salonga o mas kilala bilang si “H2wo.”

‘Yan ang nilinaw mismo ni Mika nang ma-interview siya sa programang “Fast Talk with Boy Abunda.”

Tila dumami kasi ang bashers ng Sparkle actress mula nang maghiwalay sila ng dating boyfriend at karamihan sa mga ito ay sinasabing “cheater” siya.

Tinanong tuloy siya ni Tito Boy kung ano ang nais niyang sabihin tungkol sa kumakalat na kontrobersiya.

Baka Bet Mo: Mika Salamanca pumalag kay Darryl Yap: You lack basic human decency

“Ako po kasi Tito Boy, malinis na sagot, wala talagang nag-cheat sa aming dalawa ni H2wo. Wala po talaga. Ganung ka-simple,” diretsong sagot ni Mika.

Sumunod na tanong naman ng TV host, “Naghiwalay kayo dahil?”

Ang paliwanag ng aktres, hindi na kasi nag-grow ang relasyon nila ni John Paul kaya mas minabuti na nilang maghiwalay.

“Kahit ilang beses nilang sabihin na walang kwenta ang sagot namin Tito Boy —hindi po kasi talaga naggo-grow ang relationship namin to the point na it’s toxic,” saad niya.

Sumang-ayon sa kanya si Tito Boy at sinabing: “Naniniwala ako doon. That there are relationships that stop, because it stops to grow.”

“Mahal pa rin namin ang isa’t-isa…naniniwala po kasi ako na mamahalin mo ‘yung tao nang sobra-sobra to the point na kaya mo siyang i-let go kung ‘yun ang mas makakabuti para sa kanya,” pag-amin pa ni Mika.

Magugunita na halos three years ding tumagal ang relasyon nina Mika at H2wo.

 Noong Marso, magkasamang nagpaliwanag ang dalawa about their breakup sa pamamagitan ng isang video.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sabi pa ng dating couple, last year pa nila pinagpaplanuhang maghiwalay dahil nais muna nilang mag-focus sa kani-kanilang mga career.

Agad din namang pinabulaanan ni H2wo na may samaan sila ng loob ni Mika, “All goods ‘yung breakup namin. Walang samaan ng loob.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending