Sofia Andres itinanggi na hindi bet ng pamilya ni Daniel Miranda

Sofia Andres itinanggi na hindi bet ng pamilya ni Daniel Miranda

Therese Arceo - April 09, 2024 - 08:42 PM

Sofia Andres itinanggi na hindi bet ng pamilya ni Daniel Miranda

Sofia Andres

SA unang pagkakataon ay sinagot na ng celebrity mom na si Sofia Andres ang mga kumakalat na chika ukol sa diumano’y hindi siya tanggap ng pamilya ng kanyang partner na si Daniel Miranda.

Sa isa sa kanyang Instagram stories ay ibinahagi niya ang screenshot ng isang post mula sa Reddit kung saan tinatalaka ang kanyang pagiging missing in action niya sa kasal ng kapatid ni Daniel na si Enrique kay Ella Pangilinan noong Disyembre.

“Lagi niyo na lang akong pinag-uusapan. This will be my first and last post about this. I love Daniel’s family and [vice] versa,” panimula ni Sofia.

Pakiusap pa niya, “‘Wag naman sana kayo gumawa ng kwento. Hindi lahat ng chismis totoo even on TikTok [and] Reddit.”

Baka Bet Mo: Diego aminadong si Sofia Andres ang TOTGA: ‘Ang laki ng pagkakamali ko’

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Biro pa ni Sofia, “Hirap niyo ka-bonding but love love.”

Matatandaang una nang sinagot ni Ella ang tanong kung bakit wala ang aktres sa kanyang special day.

Ani Ella, may important matters si Sofia kaya hindi na ito naka-attend nang kanilang kasal.

Dahil nga rito ay may mga lumabas na chika na hindi maganda ang relasyon niya sa kanyang future in-laws.

Para sa mga hindi aware, ang partner ni Sofia na si Daniel ay mula sa angkan ng mga Lhuillier.

Sa hiwalay na post naman ay naglabas siya ng saloobin tungkol sa kanyang experience kung saan minamaliit siya dahil sa kawalan ng maraming pera.

“I grew up working hard for the things I have now. Mahirap talaga ‘pag walang pera. ‘Pag wala kang pera, minamaliit ka; tanga ka. May mga tao that will make you feel that you’re nothing and will tell you all your flaws,” sey ni Sofia.

Pagpapatuloy niya, “A lot of you were saying, ‘Ah, laos na ‘yan. Ah, manggagamit ‘yan. Ah, hindi pa kasal ‘yan. Ah, may anak lang ‘yan, hindi naman invited ‘yan. I don’t feel comfortable sharing this with you dahil baka sabihin papansin, but this is how I feel and I want you to know that it also bothers me.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Lahad pa niya, madals siyamg ma-misunderstood dahil sa kanyang pagpapakatotoo pero alam ng mga tamang tao at mga nakakakilala sa kanya ay alam ang katotohanan.

“I am always misunderstood for being so real. The right people and my real friends will know. I am not giving [random strangers] their power to destroy me,” sabi ni Sofia.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending