Melai naloka sa wish ni Stela: Sana yung butas ng ipin mo...

Melai naloka sa wish ni Stela: Sana yung butas ng ipin mo mag-close na!

Ervin Santiago |April 09,2024
facebook
share this

Melai naloka sa wish ni Stela: Sana yung butas ng ipin mo mag-close na!

Ervin Santiago - April 09, 2024 - 02:00 PM

Melai naloka sa b-day wish ni Stela: Sana yung butas ng ipin mo mag-close na!

LAUGH trip ang hatid ng mag-iinang Melai Cantiveros, Mela at Stela Francisco nang sabay-sabay silang umapir sa stage ng “ASAP Natin ‘To” last Sunday, April 7.

Nag-celebrate kasi ang Kapamilya TV host-comedienne sa naturang Sunday musical show ng ABS-CBN kung saan personal siyang binati ng dalawa niyang anak.

Nag-perform si Melai kasama sina Stela at Mela with their special dance number (NewJeans’ Super Shy) sa “ASAP” stage. Ito’y para sa 15th showbiz anniversary at 36th birthday ni Melai last April 6; Stela’s 6th birthday on April 9; at Mela’s 10th birthday on April 3.

Sa panayam ng mga host ng show na sina Regine Velasquez, Jolina Magdangal at Robi Domingo, kina Mela at Stela, hiningan ng birthday wish ang mga bagets para sa kanilang nanay.

Baka Bet Mo: Melai kay Lord nang magkabukol sa dede: ‘Bakit mo ako pinabayaan?’

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Hirit ni Stela, “Happy birthday mama. More birthdays to come. Sana safe ka always kung saan ka magpunta. Tapos sana yung butas ng ipin mo mag-close na.”

Dahil dito, agad kinuha ni Melai ang microphone sa anak at nag-dialogue ng, “Tinuruan kasi…sinong nagturo sa inyo sa likod?” Na sinagot nina Stela ng, “Si Kuya Robi!”

Mabilis na nag-viral ang video clip ng guesting ng mag-iina sa “ASAP” sa iba’t ibang social media platforms. Narito ang ilan sa mga reaksyon ng mga netizens.

“Mga joker din anak ni melai eh mana sa knya hehe.”

“Kaloka talaga ang mini version ni melai hahahaha. happy birthday momshie mels.”

“Tawang tawa ako Nitu kahapon ayy  inaagaw ni Melai ung mic sa anak nya eh kung ano ano pinagsasabi.”

“Surely sina Mela at Stela ang susunod sa yapak ng nanay nila. Kakatuwa sila! Pwedeng pwede silang bumida sa sitcom.”

Ito naman ang birthday wish ni Mela sa kanyang nanay, “Mama, yung message ko po sa’yo mama. Sana palagi safe ka and I hope na happy ka sa birthday mo. Yesterday. And I love you mama.

“And always remember that me and Stella love you. And I hope na more work ka para makahanap ka ng work.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“And then makahanap ka ng more money. And mama, I love you!” aniya pa.

Nagbigay din ng birthday message si Melai sa dalawang anak,  “Ako, ang birthday wish ko para kay Mela and Stella is… Maging good girl sila. At ma-enjoy nila ang journey nila sa buhay nila.

“Ngayon na, 10 years old ka na, ate. Mag-enjoy ka lang at maging good girl. Stella, mag-enjoy at maging good girl, okay na okay na si mama,” aniya pa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending