Melai Cantiveros birthday wish ang magka-baby uli, pero...

Melai birthday wish ang magka-baby uli, feeling ng 36: Parang may kabag!

Ervin Santiago |April 08,2024
facebook
share this

Melai birthday wish ang magka-baby uli, feeling ng 36: Parang may kabag!

Ervin Santiago - April 08, 2024 - 07:18 AM

Melai birthday wish ang magka-baby uli, feeling ng 36: Para may kabag!

Melai Cantiveros

ALIW much at tawa pa more na naman ang hatid ng TV host-comedienne na si Melai Cantiveros sa mga manonood sa surprise birthday celebration niya sa “ASAP Natin ‘To.”

Hindi in-expect ng komedyana na bibigyan siya ng pasorpresang selebrasyon sa “ASAP” kahapon, April 7, para kanyang 36th birthday last Saturday.

Ang akala raw niya ay gagawa lang siya ng VTR shoot para sa kanyang birthday production sa “ASAP” pero may naghihintay palang bonggang surprise mula sa mga taong patuloy na nagmamahal sa kanya.

Naroon ang asawa niyang si Jason Francisco at ang mga anak nilang sina Mela at Stella. Present din sa show para personal siyang batiin ang friend niyang si Jennica Garcia, at ang mga co-host niya sa “Magandang Buhay” na sina Jolina Magdangal at Regine Velasquez.

Baka Bet Mo: Melai Cantiveros ibinandera ang magiging role sa isang Korean movie: Sobrang best blessing ever ito ni Lord

Mensahe ni Melai matapos ang production number nina Jolens at Ate Regs, “Parang naiiyak ako kanina, pero magaling kasi ako magpigil ng iyak. Natouch ako kanina.”

Aniya pa, “Alam mo ngayong matanda na ko parang hindi na ko masyado na birthday ko ba. Pwede na lang lumipas na lang yung birthday ko pa.

“Parang gusto ko na lang na peaceful yung birthday mo. Nakakahiya na mag-birthday-birthday pa,” dagdag pa ng komedyana.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Sa tanong kung anong feeling na 36 years old na siya, “Ang pakiramdam ng 36, para kang may kabag! Ha-hahaha! Charing lang. Ang pakiramdam ng 36 ay alam mong peace of mind ang best gift to yourself.

“Una si Lord, nagbibigay ng peace of mind. Number 2 is my family…Jason, Mela and Stella, mama and papa ko.

Baka Bet Mo: Para kay Melai Cantiveros ‘di dapat mawala si Hesus sa pagdiriwang ng Pasko

“Hindi ka na yung babantayan mo katulad ng dati. Ngayon full of confidence, basta wala lang sakit okay lang,” pahayag pa niya.

Hindi raw talaga siya sanay sa mga bonggang birthday celebration, palagi raw simple ang birthday party niya noon sa General Santos City noong bata pa siya.

“Very simple, may bihon. May humba. Pero sobrang saya kasi kasama mo yung mga pinsan mo tapos naglalaro-laro kayo,” aniya pa.

Para naman sa kanyang birthday wish, “Wala na kong wish na mga bagay, ang wish ko talaga is i-sustain ako ni Lord ng wisdom. Ang pinaka-wish ko maibigay sa kin ni Lord para sa daily journey sa life.

“Sana magka-baby pa para may boy kami. Tapos sana April din ipanganak para tawagin naming ‘April Boy’, char lang!” hirit pa ni Melai.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pero seryoso niyang sabi, “Si Jason kasi hinahayaan niya na magustuhan ni Stella. Kasi kumbaga sa kanya, hindi lang kami ang magdedesisyon, kundi magdedesisyon din ang magkakapatid. Kung gusto mo na, gagawin na namin ng papa mo. Pero ayaw pa ni Stella.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending