Chito binalikan ang ‘awesome childhood’, nais ding iparanas sa mga anak
NAGING sentimental ang Parokya ni Edgar vocalist na si Chito Miranda nang makapagbakasyon sa probinsya kamakailan.
Binalikan ng OPM rock icon ang kanyang kabataan lalo na yung panahong nag-a-outing ang kanilang pamilya sa beach at kapag nagpupunta sila sa Baguio.
Baka Bet Mo: Camille Prats hindi nanakawan ng childhood kahit maagang nag-artista: I really think it’s a blessing
Nag-share si Chito ng litrato ng kanyang pamilya kalakip ang kanyang kuwento about his childhood na tila fresh na fresh pa rin sa kanyang puso’t isipan.
View this post on Instagram
“Summer Shenanigans.
“Foodtrip sa bukid. Hermit Crab Hunting. Hukay sa buhangin ng walang dahilan. Nood horror. Tapos masarap na pahingahan,” simulang pagbabahagi ng husband ng wais na misis na si Neri Miranda.
Patuloy pa ni Chito, “Nu’ng mga bata kami ng mga kapatid at mga pinsan ko, sobrang memorable para sa amin yung mga outing namin sa beach, or sa Baguio, or sa Laguna, or kung saan man, kasama ng mga kamag-anak at family friends namin.”
Sa pagbabalik-tanaw ni Chito noong kabataan niya ay naisip ng singer-songwriter ang matinding effort ng mga magulang para magkaroon ng masasayang tagpo para sa kanyang core memory.
“Looking back, ngayon ko lang na-realize kung gaano ka-grabe yung time and effort ng mga magulang namin para mabigyan kami ng ganu’ng klaseng memories.
“Gusto ko lang magpasalamat sa mga parents, sa mga uncles and aunties, at sa mga titos at titas namin na naging part ng awesome childhood namin.
View this post on Instagram
“Kaya siguro ganito kami sa kids namin ngayon. We also want them to experience everything there is to experience, and for them to have awesome childhood memories as well…just as we did,” ang pahayag pa ni Chito.
Pinusuan at ni-like naman ng mga netizens ang pa-throwback post ni Chito.
“Ang laki na ng panganay niyo ni Nerii. Nag bibinata na talaga. Hindi na baby. Magugulat ka na lang sa susunod may girlfriend na yan na ipapakilala sa inyo. Anyways, tama na ipa experience natin sa kanila ang sulit na childhood kasi hindi habang buhay ay bata sila. Mas mabuti na habang bata pa sila ay ma experience nila ang dapat amazing childhood. Because once they’re grown up mag iiba na yan ng priorities,” ang mahabang comment ng isang IG user.
“As usual I love reading your captions – so casual but readers can relate and you give heart warming messages. This time for parents. Maybe kids or children who are hooked to their phones will appreciate of the parents and not only the fun in. gatherings or outings,” sey naman ng isa pa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.