I-text kay Madam Sophia | Bandera

I-text kay Madam Sophia

Madam Sophia |November 04,2013
facebook
share this

I-text kay Madam Sophia

Madam Sophia - November 04, 2013 - 03:00 AM

Mula kay Cecil San Diego ng Digos, Davao.  December 17, 1980 ang birthday ko. Makapag-aasawa pa kaya ako at kailan?
Tugon ni Madam Sophia: Ayon sa zodiac sign mong Sagittarius at birth date na 17, makapag-aasawa ka pa at ito ay nakatakdang maganap sa taong 2014 sa edad mong 34 pataas. Kapag pinalagpas mo ang pagkakataong nabanggit, uulit lang ang kapalaran mo sa love life, sa taong 2018 sa edad mong 38 pataas muling may darating – sunggaban mo agad, upang makapag-asawa ka. Ang lalaking darating sa nasabing dalawang ispesipik na panahon ay isinilang sa buwan ng Mayo, tulad ng nasabi na – siya ang mapapangasawa at makakasama mo sa pagbuo ng isang maligaya at pang habang buhay ng pagpapamilya!

Mula kay Ningning …6734, Ermita, Manila. September 11, 1988 ang birthday ko at May 7, 1985 ang boyfriend ko. Compatible ba kami at magkakatuluyan?
Tugon ni Madam Sophia: Ayon sa birthday nyong September 11, 1988 at May 7, 1985 sigurado ang tugon, compatible kayo ng boyfriend mo at kayo na nga ang magkakatuluyan.

Mula kay Yolly ng  …7412, Dipolog City. April 6, 1980 ang birthday ko. Kailan po ako makapag-aasawa at eto na bang ka-relasyon ko ngayon na may birthday na Augut 8, 1986 ang mapapangasawa ko?
Tugon ni Madam Sophia: Siya na nga o ang kasalukuyan mong ka-relasyon na may birthday na August 8, 1986 ang siya mo na ngang mapapanagsawa at ang pag-aasawang ito ito ay nakatakdang maganap at mangyari sa taong 2014 hanggang 2015 sa edad mong 34 pataas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending