Vice sa Madlang Kapuso: Gawin n'yo kaming pahinga!

Vice sa Madlang Kapuso: Gawin n’yo kaming pahinga kahit ilang oras lang

Ervin Santiago |April 08,2024
facebook
share this

Vice sa Madlang Kapuso: Gawin n’yo kaming pahinga kahit ilang oras lang

Ervin Santiago - April 08, 2024 - 07:19 AM

Vice sa Madlang Kapuso: Gawin n'yo kaming pahinga kahit ilang oras lang

Vice Ganda

NAGBITAW ng pangako ang Phenomenal Box-Office Star na si Vice Ganda sa lahat ng Kapuso viewers kasabay ng unang pag-ere ng “It’s Showtime” sa GMA 7.

Nagsimula na ngang mapanood sa Kapuso Network ang noontime program ng GMA 7 nitong Sabado, April 6, sa pangunguna nina Vice, Anne Curtis, Vhong Navarro at Karylle.

Maituturing na historic day sa Philippine television ang nasabing collaboration ng GMA at ABS-CBN kung saan nagsanib-pwersa nga ang dating magkalabang network para mas mapalakas pa ang “It’s Showtime.”

Bukod dito, nauna nang ipinalabas ang naturang programa sa GTV, ang sister company ng GMA 7

Baka Bet Mo: Kathryn gaganap na comfort woman sa ‘Elena 1944’; bibida rin sa ‘A Very Good Girl’ kasama si Dolly de Leon

Sa panayam ng “24 Oras” kay Vice Ganda, nag-promise nga siya sa Madlang Kapuso ng quality entertainment at mga bonggang segments mula Lunes hanggang Sabado.

“Ang promise natin sa manonood talaga ay bigyan sila ng isang programa na magpapatawa sa kanila sa tanghali, manlilibang sa kanila at magbibigay sa kanila ng pagkakataon na makatakas kahit sandali lang sa lahat ng bigat na mga pinagdadaanan.

“’Di ba, para hinga lang? Gawin n’yo po kaming pahinga n’yo kahit ilang oras lamang sa araw-araw,” aniya pa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Samantala, nangyari na nga ang isa sa pinakamasaysayang moment sa telebisyon at pinakahihintay ng madlang people nang mag-debut ang “It’s Showtime” sa GMA na nag-trending worldwide sa Twitter at umani ng 500,000 peak concurrent views online.

Binuksan ng Asia’s Unkabogable superstar at birthday girl na si Vice Ganda ang “It’s Showtime” sa isang mala-Dune performance at ang pag-upo niya sa tuktok ng GMA logo sa building ng Kapuso network pati na ang performance niya ng “Thunder,” “Champion,” at “Hall of Fame.”

Baka Bet Mo: Zanjoe, Kylie wala nang ilangan nang gawin ang sex scene sa Sagada: Pareho kaming game!

Samantala, sunod-sunod din na pasabog na performance ang hatid ng kanyang co-hosts na sina Anne Curtis, Vhong Navarro, Jhong Hilario, Karylle, Kim Chiu, Ogie Alcasid, Amy Perez, Darren Espanto, Jugs Jugueta, and Teddy Corpuz, Ryan Bang, Jackie Gonzaga, MC, Lassy, Ion Perez, and Cianne Dominguez para sa Kapamilya at Kapuso viewers.

Pinasalamatan din ng unkabogable star ang bosses ng ABS-CBN at GMA sa paggawa nito ng paraan upang mas malawak ang mapasaya ng programa. Ayon pa sa kanya, ito ang tinuturing niyang best birthday gift at para ito sa madlang people.

“Ito ay para sa lahat ng Madlang People na mapapasaya namin simula sa araw na ito.

“Ito ay para sa GMA at sa ABS-CBN, lahat ng mga nagtatrabaho sa ‘It’s Showtime’, lahat ng mga staff natin, napakahuhusay at napakasisipag, at sa ating lahat na mga hosts, sa lahat ng mga kapiling nating mga Kapamilya, mga Kapuso,” saad niya.

Samantala, nakisaya naman at nakisali sa “Karaokids” segment ang Kapuso stars na sina Gabbi Garcia, Sanya Lopez, Glaiza de Castro, Jillian Ward, Mark Bautista, Christian Bautista, Jake Vargas, Mikee Quintos, Nadine Samonte, at Chanty.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sumalang naman sa espesyal na episode ng “Expecially For You”  Miss Universe Philippines 2023 Michelle Dee kasama ang ina niyang si Miss International 1979 Melanie Marquez.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending