Niligawan ba ni Randy si Kris matapos mag-date sa JS Prom?

Trulili ba, niligawan ni Randy si Kris matapos mag-date sa JS Prom?

Ervin Santiago |April 08,2024
facebook
share this

Trulili ba, niligawan ni Randy si Kris matapos mag-date sa JS Prom?

Ervin Santiago - April 08, 2024 - 09:15 AM

Trulili ba, niligawan ni Randy si Kris matapos mag-date sa JS Prom?

Kris Aquino at Randy Santiago

TRUE bang pinormahan din ng TV host-singer at direktor na si Randy Santiago ang Queen of All Media na si Kris Aquino?

Balitang-balita noon ang pagiging malapit nina Randy at Kris kaya may mga nagpapalagay na niligawan din niya ang TV host-actress noong kabataan nila.

Inamin ni Randy sa panayam ng “Fast Talk with Boy Abunda” na naging ka-date siya ni Kris nu’ng um-attend ito sa JS Prom noong nasa third year high school siya.

Baka Bet Mo: Randy Santiago parte na rin ng AMBS, tikom ang bibig sa ‘parinigan’ nina Bayani at Vice Ganda

“Masaya. Pero siyempre nakakapraning,” ang paglalarawan ni Randy nang magkasama sila ni Kris sa naturang prom.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Patuloy ng singer, “Ang nanay niya Presidente ng Pilipinas eh, si Ma’am Cory (Aquino). Pagkatapos, sinundo ko siya sa Arlegui, it was her third year, junior prom.”

Sundot na tanong ni Tito Boy kay Randy,
“Hindi ka naman nanligaw?”

“Hindi na po,” ang mabilis na sabi ng actor-singer na tila nag-aalinlangan pang sagutin ang tanong.

Baka Bet Mo: Randy Santiago pangarap makasama uli sa pelikula si Maricel; miss na miss na ang yumaong anak

“Mahiyain po ako, eh. Shy talaga ako,” ang chika pa ni Randy.

Samantala, inamin naman ni Randy na totoong naging girlfriend niya noon ang Diamond Star na si Maricel Soriano at ang Original Concert Queen na si Pops Fernandez.

“Tinatawa na lang namin ‘yung Tito Boy, siguro mga 18 years old siya,” aniya tungkol sa naging relasyon nila ni Pops.

“Kinulit ko lang, ‘Hi! Achu-chu-chu…’ mga ganu’n. Hindi ba naikuwento niya, sa telepono lang kami naging mag-boyfriend,” aniya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kristina Bernadette Cojuangco Aquino (@krisaquino)


“Sabi ko nga, ‘Ni hindi ko nahawakan ‘yung kamay mo!’” natatawang dugtong pa ni Randy.

Sa isang episode rin ng “Fast Talk with Boy Abunda” noong February inamin ni Pops na naging dyowa nga niya noon si Randy pero sa telepono lang.

More than one year naman daw tumagal ang relasyon nina Randy at Maricel na nagsimula nang magsama sila sa pelikulang “Taray at Teroy” noong 1988.

“Mga a year or less than a year siguro,” sey ni Randy.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang naging asawa ni Randy ay si Marilou Coronel, at biniyayaan sila ng tatlong anak – sina Raphael, Ryan, at Raiko. Noong August, 2017, pumanaw si Ryan sa edad na 24.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending