Lady Gaga, Joaquin Phoenix magtatambal sa bagong ‘Joker’ film
MAGBABALIK sa big screen ang tinaguriang “Clown Prince of Crime” na si Joker, ang isa sa kilalang supervillain sa DC Universe.
Muling bibida sa titular role ang award-winning actor na si Joaquin Phoenix sa pelikulang “Joker: Folie à Deux.”
Ang makakatambal niya riyan ay ang sikat na international pop star na si Lady Gaga bilang si Harley Quinn!
Bilang pasilip, inilabas na ang teaser poster ng pelikula na ibinandera na rin mismo ni Lady Gaga sa kanyang social media accounts.
May nakalagay din sa poster na ipapalabas ang bagong “Joker” film sa darating na October 4.
Samantala, ang first trailer naman ng pelikula ay nakatakdang i-release sa April 10.
Baka Bet Mo: Maris Racal sinagip ni Lady Gaga at ng K-pop stars noong kasagsagan ng pandemya
View this post on Instagram
Ang “Joker: Folie à Deux” ay ang magsisilbing sequel sa 2019 film kung saan sinusundan nito ang kwento ni Arthur Fleck bilang isang washed up clown hanggang sa sumikat ito bilang villain ng Gotham.
Para sa mga hindi aware, ang “Joker” ang highest grossing R-rated film of all time at kauna-unahang R-Rated film na kumita ng mahigit $1 billion worldwide o halos P57 billion.
Kinilala din ang pelikula sa ilang presihyosong award-giving body mula sa iba’t-ibang bansa.
Kabilang na riyan ang “Golden Lion” award sa Venice Film Festival sa Italy.
Winner din ito sa Academy Awards kung saan naiuwi nito ang “Best Original Score” at “Best Actor” para sa mahusay na pagganap ni Joaquin sa kanyang karakter bilang Joker.
Bukod diyan, kinilala din ang pelikula sa Golden Globe, BAFTA, at Critics’ Choice Movie Awards sa parehong award categories.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.