Heat index sa QC posibleng umabot ng 40°C ngayong araw

Heat index sa QC posibleng umabot ng 40°C ngayong araw

Therese Arceo - April 04, 2024 - 03:34 PM

Heat index sa QC posibleng umabot ng 40°C ngayong araw

PINAG-IINGAT ng Local Government Unit ng Quezon City ang mga mamamayan dahil sa matinding init ngayong araw, Huwebes, April 4.

Base sa data na inilabas ng iRISE UP, may tsansang umabot aa 40°C ang heat index sa lungsod at may babala itong “Extreme Caution”.

Ang iRISE UP ay isang makabagong pamamaraan sa pag-check sa mga pagbabago ng klima. Ang app na ito ay naglalaman ng Barangay Risk Analysis at Early Warning Systems na sumasaklaw sa 142 barangays ng lungsod.

Baka Bet Mo: MMDA may ‘heat stroke break’ ulit para sa field personnel

Samantala, ang heat index naman ay tumutukoy sa temperaturang nararamdaman ng ating katawan.

Kaya naman nakataas sa EXTREME CAUTION o ibayong pag-iingat ang publiko dahil maaaring magdylot ng iba’t-ibang sakit gaya ng heat cramps, heat exhaustion, at heat stroke ang init ng panahon.

Dagdag paalala pa sa publiko, ugaliing uminom mg tubig para manatiling hydrated atkung maaari ay manatili na lang muna sa loob ng bahay at iwasan ang nakakapagod na gawain sa ilalim ng aeaw upang maiwasan ang heat-related illnesses.

“Para sa emergency, tumawag lamang sa Helpline 122 o sa Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Office: 8-927-5914/8-928-4396,” sey pa ng QC government sa kanilang Facebook page.

Sa ngayon ay umabot na ng 37°C ang naitalang HEAT INDEX (Init Factor) ngayong hapon bunsod ng mataas na temperatura at mataas na relative humidity.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending