DOT inarangkada ang ‘Philippine Eatsperience’

DOT inarangkada ang ‘Philippine Eatsperience’ sa Rizal Park, Intramuros

Pauline del Rosario - April 04, 2024 - 12:41 PM

DOT inarangkada ang ‘Philippine Eatsperience’ sa Rizal Park, Intramuros

PHOTO: Courtesy of Sean Jimenez

MALIBAN sa summer season, inaabangan din sa ating bansa ang tinatawag na “Fiesta Season” na nagsisimula pagdating ng Abril.

Alam naman natin na maliban sa magagandang tourist attractions, isa rin sa mga nagbibigay-buhay at sigla sa Pilipinas ay ang mga pagdiriwang ng iba’t-ibang piyesta –mula sa sikat na Sinulog Festival sa Cebu hanggang sa Ati-Atihan sa Aklan.

Parte niyan ang mga makukulay na dekorasyon, masiglang prusisyon, iba’t-ibang gimik ng kasiyahan, at siyempre, hindi mawawala ang mga nakakatakam na mga pagkain!

At speaking of food, tuwing buwan ng Abril din ipinagdiriwang ang Filipino Food Month.

Bilang selebrasyon nito, naglunsad ng “Philippine Eatsperience” and Department of Tourism (DOT) na may temang “Love the Flavors, Love the Philippines.”

Baka Bet Mo: Paano labanan ang 6 na sakit na usung-uso ngayong summer season?

Noong April 3, isa ang BANDERA sa mga media na naimbitahan sa grand launching ng Philippine Eatsperience food park na nasa Rizal Park Luneta at Intramuros, Maynila.

Ang event ay pinangunahan ni Tourism Secretary Christina Garcia Frasco, kasama ang ilang government officials at international delegates mula Thailand at Malaysia.

Kabilang na riyan sina Tourism Undersecretaries Ferdinand Jumapao at Gail Yu Pamintuan, National Parks Development Committee (NPDC) Executive Director Cecille Lorenzana-Romero at National Commission for Culture and the Arts (NCCA) Executive Director Oscar Casaysay.

 Mala-piyesta vibe ang foodparks sa Maynila kung saan ibinibida ang mahigit 30 food joints na may pagpipilian mula sa Cebu lechon, Chicken Inasal, Ilocos Empanada, Bicol express, tusok-tusok, at marami pang iconic food ng bansa.

“This Philippine Eatsperience is a component of the Philippine Experience, and it highlights one of the most enjoyable things that you can experience when you visit or when you live in the Philippines, the Filipino Fiesta,” sey ni Secretary Frasco.

Ang good news pa, bukas sa publiko ang Filipino lifestyle and food market sa buong taon!

Narito ang operating time ng food parks:

Noli Me Tangere Garden, Rizal Park Luneta – 7 a.m. to 10 p.m. (Friday-Sunday)

Baluarte Plano Luneta de Santa Isabel sa Intramuros, Maynila – 7 a.m. to 5 p.m. daily

Bilang parte ng flagship project ng DOT, nais ni Secretary Frasco na ibandera sa mga turista ang tunay na lasa ng Filipino hospitality habang binibisita ang top destinations ng bansa tulad ng Rizal Park at Intramuros.

“We are crafting unique Culinary Tours and Circuits that allow connoisseurs and travelers alike to explore our gastronomic delights at the grassroots level. Through these, we aim to showcase the diversity and richness of our culinary traditions,” paliwanag ng hepe ng tourism department.

Dadag niya, “Everywhere in the Philippines, where ever you may find yourself, whether up in the North, in Central Philippines or in the South, there is always a fiesta that is celebrated. And in these fiestas we show the best virtues of being Filipinos: compassion, generosity, and a sense of community towards others.”

Ani pa niya, “I invite all of you to celebrate the Filipino culinary spirit as we put Filipino flavors on the spotlight of Philippine tourism and showcase to world the multitude of reasons to Love The Philippines.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Ang “Filipino Food Month” o Buwan ng Kalutong Filipino ay isang taunang selebrasyon tuwing Abril na ang layunin ay tiyakin ang pagpapahalaga, pangangalaga, at paghahatid ng mga tradisyon sa pagluluto ng mga Pilipino.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending