Alden fresh at yummy pa rin kahit pawisan sa Sunday Run

Alden fresh at yummy pa rin kahit pawisan nang sumali sa Sunday Run

Ervin Santiago |April 02,2024
facebook
share this

Alden fresh at yummy pa rin kahit pawisan nang sumali sa Sunday Run

Ervin Santiago - April 02, 2024 - 06:29 AM

Alden fresh at yummy pa rin kahit pawisan nang sumali sa Sunday Run

Alden Richards at Kathryn Bernardo (Photos from Twitter)

TRENDING si Alden Richards sa social media nitong nagdaang Easter Sunday, March 31, dahil sa pagsali niya sa isang Sunday Run.

Ginaganap ang nasabing fun run sa Makati City tuwing Linggo pero walang kumpirmasyon kung nitong nagdaang Linggo ng Pagkabuhay tumakbo ang Asia’s Multimedia Star.

Sa mga post na nabasa nami sa X (dating Twitter), tumakbo raw si Alden sa kahabaan ng Ayala Avenue sa Makati at marami ang nagpa-selfie sa kanyang mga kapwa runner at yung iba ay napadaan lamang sa lugar.

Baka Bet Mo: Maxene Magalona ibinandera ang kahulugan para sa kanya ng Easter Sunday: ‘This is a sacred time for renewal and rebirth’

In fairness, pinagbibigyan naman daw ng Kapuso superstar ang mga gustong magpa-picture sa kanya. Kaya nga raw medyo natagalan bago nakarating sa finish line ang binata.

Sa isang X post na nabasa namin, five kilometers lang ang tatakbuhin sana ni Alden ngunit naging 12 kilometers daw ito. Umabot umano ng 1 hour and 24 minutes bago niya natapos ang Sunday Run.

Marami naman ang nagkomento na kahit daw pawisan at gulo-gulo ang buhok ng aktor ay ang fresh-fresh at ang yummy pa rin nito. Gwapung-gwapo sila kay Alden.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Alden Richards (@aldenrichards02)


Comment ng isang netizen, “How can anyone be Hot and Cute at the same time.”

May ilan namang nag-post sa socmed ng picture ni Alden na may kasamang lalaking runner pero tila binigyan ito ng malisya ng mga netizens.

Nito namang nagdaang Holy Week break, naging top trending topic din si Alden at Kathryn Bernardo sa socmed nang muli silang magkasama.

Baka Bet Mo: Kris nagdiwang ng Easter kasama sina Bimby at Mark Leviste, muling nag-enjoy sa pagsa-shopping

Nangyari ito sa 28th yacht birthday party ni Kathryn sa El Nido, Palawan kung saan nakasama rin nila ang iba pang cast members ng pelikulang “Hello, Love, Goodbye.” Naroon sina Lovely Abella, Kakai Bautista at Maymay Entrata.

Sa mga litrato at video na nakita namin sa social media, pinatunayan nina Alden at Kathryn na hanggang ngayon ay okay na okay pa rin ang kanilang relasyon as friends kahit matagal-tagal silang hindi nagkita.

May picture sila together na tila nag-uusap nang masinsinan habang nagkakasayahan ang lahat sa yacht party ni Kath.

Pinagpipiyestahan din ngayon sa socmed ang pagkanta ni Alden ng “Bakit Ngayon Ka Lang” na inihandog niya sa birthday celebrator.

Biro pa ng Kapuso superstar, hindi raw niya madalas ginagawa sa mga party pero para kay Kathryn ay game na game siyang nag-perform kasama ang kaibigan nilang si Kakai.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Hirit ni Alden, “Happy birthday, Kath. ‘Di ko ginagawa ‘to.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending