Ariel Villasanta ibinenta ang urn at pustiso ng ina kay Boss Toyo

Ariel Villasanta ibinenta ang urn at pustiso ng ina kay Boss Toyo

Therese Arceo |March 28,2024
facebook
share this

Ariel Villasanta ibinenta ang urn at pustiso ng ina kay Boss Toyo

Therese Arceo - March 28, 2024 - 07:48 PM

Ariel Villasanta ibinenta ang urn at pustiso ng ina kay Boss Toyo

 

ALIW na aliw ang ginawang pagbebenta ng kilalang komedyante at vlogger na si Ariel Villasanta sa tindahan ni Boss Toyo.

Sa episode ng “Pinoy Pawnstars” nitong Lunes, March 18, sinubukan ng komedyante nacibenta ang mga gamit niya kung saan siya nakilala.

Unang ipinakita ni Ariel ang isang malaking frame ng kanyang poster kung saan siya nakasuot siya ng kanyang famous pink outfit, mga koleksyon ng shades, pati na rin ang kanyang malaking diamond ring.

Ngunit ang nakakagulat na rebelasyon ng komedyante ay nang ilabas nito ang urn ng kanyang ina na si Mommy Elvie.

Baka Bet Mo: Ariel Villasanta naisangla pati ang bahay dahil sa ‘King of Reality Shows’; binigyan ng pera ni Pacman

“May show kami ng mommy ko nung araw, artista to. Ito ‘yung urn niya,” panimula ni Ariel.

Pagpapatuloy pa niya, “Kung may ataol pa nga sinibak ko ‘yung ataol niya e.”

Natawa naman ang mag-asawa nang malamang seryoso si Ariel sa pagbebenta ng urn ng ina at sinabing baka dalawin sila ni Mommy Elvie.

“Pati ‘yung urn, binibenta na sa Pinoy Pawnstars. Ito ‘yung malupit na revelation,” sey ni Boss Toyo.

“Ang ermat ko kasi kahit naging pulburon na siya, gusto niya pa rin magpasaya ng tao,” kuwento naman ni Ariel at sinabing freebie na ang pustiso ng ina sa kanyang binibentang urn.

Ngunit tinanggihan naman ni Boss Toyo ang pagbili sa urn at sa halip binili nito ang kanyang frame kung saan suot nito ang kanyang all-pink outfit.

Mula sa kanyang presyong kalahating milyon ay binili ito ni Boss Toyo ng P140,000.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Matatandaang nakilala noon si Ariel sa kanilang comedy shows na “The Misadventures of Maverick and Ariel”, “Mommy Elvie’s Problematic Show”, at ang reality-comedy show na “Mommy Elvie @ 18”.

Sa ngayon ay mapapanood siya sa GMA series na “Lilet Matias: Attorney-at-Law.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending