Bitoy hinarang nga ba ang reality movie nina Ariel & Maverick? | Bandera

Bitoy hinarang nga ba ang reality movie nina Ariel & Maverick?

Alex Brosas |October 28,2019
facebook
share this

Bitoy hinarang nga ba ang reality movie nina Ariel & Maverick?

Alex Brosas - October 28, 2019 - 12:25 AM


MAY nangharang diumano sa movie nina Ariel Villasanta at Maverick Relova kaya ito na-shelve sa GMA Films.

According to chika, isa rin itong komedyante. But for Ariel, ayaw na niya itong pag-usapan.

“Ayoko na lang anuhin kasi baka sabihin ginagamit ko sa pelikula. Pero alam ko wala talaga (kaming away). Ni hindi nga kami nagkita,” say ni Ariel sa presscon ng movie niyang “Kings of Reality Show”. “Basta ayokong manggaling sa akin,” say pa niya.

Pero may isang lady editor ang direktang nagtanong kung may gap ba sila ni Michael V, “Wala, wala akong natatandaan. Ni hindi naman kami nagkakausap masyado. Mababa lang kami, nandito siya. Hindi kami tsumitsika.

“Natatandaan ko lang noon, may nagsabi sa akin na ‘kita mo, hindi kayo iginuest.’ Supposed to be ay magge-guest kami. May instance na ganoon, pero hindi sila pumayag,” chika ni Ariel.

“Noong time na ‘yon, ige-guest kami. Noong una naka-schedule tapos may nagsabi sa akin at hindi na itinuloy, so na-cancel,” kuwento ni Ariel.

Hindi ba siya nag-reach out kay Michael V when he heard about it, “Hindi ko siya kinausap. May nagsabi sa akin pero baka mamaya hindi pala totoo. Hindi ko na lang pinansin. Kung may nagsabi man sa akin baka chismis lang ‘yon. Baka sabihin sinisiraan (lang siya).”

May sama ba siya ng loob kay Michael V? “Ako naniniwala ako katulad nito, baka talagang hindi pa panahon ang pelikula noong time na ‘yon. Mayroon tayong…baka kapag pinalabas ‘yung pelikula noong time na ‘yun ay wala lang,” say ni Ariel.

Hindi ba niya inimbitahan si Michael V na maging part ng movie? Napatawa si Ariel, sabay sabing, “Ang ganda ng tanong, mo, ha. Pero siyempre, kahit na sabihin mong hindi naman ako confirm na siya (ang nangharang sa movie), parang nasa kuni-kuni ko siya,” say ni Ariel.

Since star-studded ang movie sa dami ng nag-participate tulad nina Mayor Sarah Duterte, Sen. Antonio Trillanes, Mocha Uson, natanong si Ariel kung part ba ng movie si President Rodrigo Duterte, “Si President Duterte, ‘yan ang pinaka-secret ko.Tingnan n’yo na lang kung nandoon siya. Secret muna,” say ng comedian.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending