Ariel Villasanta: Pati si Pangulong Duterte naawa sa akin | Bandera

Ariel Villasanta: Pati si Pangulong Duterte naawa sa akin

Cristy Fermin - November 27, 2019 - 12:37 AM

ARIEL VILLASANTA

PALABAS na ngayon ang pelikulang “The Kings Of Reality Shows” na pinaghirapang isulat, idirek at iprodyus ng mga kakaibang atake sa pagkokomedya na si Ariel Villasanta.

Pinagdugtung-dugtong lang daw niya ang maliit na halagang hawak niya para matapos ang kanyang dream project, isinanla pa nga niya sa isang kaibigan ang kanyang bahay, kaya kung hindi kikita ang pelikula ay siguradong maiilit ang kaisa-isa niyang bahay.

Dumalaw sa amin ni Romel Chika nu’ng Lunes nang hapon sa “Cristy Ferminute” ang magaling na komedyante, wala raw siyang budget para sa promo ng pelikula, kaya kung anu-anong paraan na lang ang ginagawa niya.

Napakaraming kasamahan niyang artista ang nag-endorso ng “The Kings Of Reality Shows,” kabilang sina Vice Ganda, Anne Curtis, Alden Richards, Maine Mendoza, Coco Martin at marami pang iba, puro TY lang daw ang kapalit nu’n ayon pa sa bumibidang komedyante.

Ayon kay Ariel ay nagpakapal din siya ng mukha sa mga senador para manghingi ng suporta, ang may pinakamalaking ibinigay raw sa kanya ay si Senador Manny Pacquiao, puwede raw ipambili ng dalawang Hermes bags ang suportang ibinigay sa kanya ng sikat na boxer-senator.

“Sana naman po, e, suportahan n’yo ang movie na ito na talagang ginawa ko para may maiwan naman akong alaala sa inyong lahat.

“Sana po, e, suportahan n’yo ang movie dahil kung hindi, e, nanganganib pong mailit ang bahay na isinanla ko. Mawawalan po ako ng bahay na ayoko namang mangyari.

“Pati po si Pangulong Rodrigo Duterte, e, naawa po yata sa akin, kaya kasama rin po siya sa pelikula. Magkita-kita po tayo sa mga sinehan,” pagsusumamo pa ng magaling na komedyante.

Palabas na ngayon ang “The Kings Of Reality Shows,” bigyan natin ng suporta si Ariel Villasanta, para hindi raw siya tumira sa kalye.
Ha! Ha! Ha! Ha!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending