Marc Pingris dinenay na may 'something' sila ni Kim Rodriguez

Marc Pingris dinenay na may ‘something’ sila ni Kim Rodriguez

Therese Arceo |March 28,2024
facebook
share this

Marc Pingris dinenay na may ‘something’ sila ni Kim Rodriguez

Therese Arceo - March 28, 2024 - 06:09 PM

Marc Pingris dinenay na may 'something' sila ni Kim Rodriguez

Danica Sotto at Marc Pingris

PINABULAANAN ng basketbolista at tinaguriang “Pinoy Sakuragi” na si Marc Pingris ang mga kumakalat na balitang may namamagitan sa kanila ng aktres na si Kim Rodriguez.

Sa kanyang Facebook page ay diretsahang sinagot ng asawa ni Danica Sotto ang mga intriga ibinabato laban sa kanya.

“Walang katotohanan ang mga lumalabas na balita tungkol sa amin ni Ms. Kim Rodriguez,” saad ni Marc.

Pagpapatuloy niya, “Walang namamagitan sa aming dalawa gaya ng sinasabi ng ibang tao.”

Baka Bet Mo: Danica Sotto unbothered sa isyung panloloko ni Marc Pingris

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Ani Marc, nakasama lang raw niya si Kim sa isang basketball event si Kim at noong minsa’y naging muse ito ng kanilang basketball team.

Nagpasalamat naman siya sa mga taong nagpakita ng concern sa kanila sa kabila ng mga negatibong komentong ibinabato sa kanila.

“Salamat din sa nag pa abot ng concern. Ok kami ng pamilya ko. Wag na po tayo magpakalat ng mga balita na hindi totoo,” sey ni Marc.

Samantala, humingi naman ng respeto ang basketbolista at hiniling na huwag nang idamay ang kanilang mga anak sa isyu.

“Humihingi po kami ng respeto para hindi madamay ang mga anak namin ni Danica. Salamat po at God bless po,” pakiusap ni Marc.

Samantala, una nang ipinagtanggol ng bestfriend ni Danica nasi Pebbles Duque ang basketbolista tungkol sa isyu.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Re Marc Pingris:That photo was taken before pa Feb 16. My besfriend Danica and him have a very beautiful family.

“Holy week na, dasal na lang po tayo para naman mabawasan yung mga kasalanan natin,” sey ni Pebbles.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending