Pokwang laos na raw, rumesbak: Saan galing mga animal na 'to?

Pokwang tinawag na laos, rumesbak: Jusko! Saan galing mga animal na ‘to?

Ervin Santiago |March 28,2024
facebook
share this

Pokwang tinawag na laos, rumesbak: Jusko! Saan galing mga animal na ‘to?

Ervin Santiago - March 28, 2024 - 10:13 AM

Pokwang tinawag na laos, rumesbak: Jusko! Saan galing mga animal na 'to?

Pokwang

SINUPALPAL ng Kapuso TV host-comedienne na si Pokwang ang isang laiterang netizen na tumawag sa kanya ng “laos.”

Miyerkules Santo, March 27, rumesbak ang komedyana sa isang hater na tumira sa kanya sa X (dating Twitter).

Ni-repost ng isang supporter ni Pokwang sa kanyang social media account ang pangnenega ng basher na nagsabing “laos” na siya.

Pang-ookray kay Pokey, nang lumipat daw siya sa GMA at layasan ang ABS-CBN, nalaos na raw ito.

Baka Bet Mo: Janno Gibbs: Aminado naman akong hindi na ako sikat, laos na…

“Laos na si Pokwang simula lumipat sa Kamuning. Prang nagsisi nga daw na lumipat hehe kala kc nila hindi makakabangon ang abscbn,” ang sabi ng netizen.

Tanong naman ng fan ni Pokwang, “Mamang true ba? @pokwang27.”

Ang matapang at palabang banat ni Pokey, “Jusko saan galing mga animal na ito? dapat ito ang tinatapon sa China! mga mapag gawa ng usaping walang kwenta!”

Dagdag pa ni Pokwang, super happy siya sa career niya bilang Kapuso at nananatili pa rin ang respeto niya sa ABS-CBN, kung saan nagsimula ang kanyang showbiz career.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Marietta Subong (@itspokwang27)


“Masaya po ako sa @gmanetwork at mataas din respeto ko sa @abscbn both network at ang @tv5 ay mga malaking pasasalamat kopo dahil binuksan nila ang kanilang mga pinto sa aking talento #GratefulHeart sa mga mapag gawa ng kwento sa impierno bagsak nyo!”

Nauna rito, ni-like ng netizens ang mensahe ni Pokwang para sa selebrasyon ng International Women’s Month ngayong March.

Baka Bet Mo: Toni hindi na takot malaos; nami-miss ang simpleng buhay noong wala pa sa showbiz

Binati ng Kapuso host-comedienne ang lahat ng kababaihan all over the universe bilang pagpupugay sa lahat ng naiambag at dinalang karangalan ng bawat babae sa mundo.

Idinaan ni Pokey sa kanyang Instagram account ang kanyang mensahe sa pakikibahagi sa buwan ng mga kababaihan.

Nag-post siya ng isang video kung saan mapapanood ang 65-year-old American singer-songwriter at tinaguriang Queen of Pop na si Madonna na naglilitanya tungkol sa kanyang pagiging babae.

Narito ang caption na inilagay ni Pokwang sa kanyang IG post, “Happy women’s month sa mga babaeng may tapang, paninindigan, lumalaban para sa kanilang karapatan, lumalaban lalo na para sa karapatan ng mga anak.

“Mabuhay kayo naway pagpalain kayo ng Panginoon at gabayan sa inyong mga buhay araw araw.

“Sa nagmamatapang lang para ibaba at apakan ang kapwa babae salamat sa inyo dahil mas pinatapang nyo ang mga kagaya ko.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Gabayan ninyo ang mga anak nyong babae at pakaingatan na wag silang saktan at maituro nyo nawa ang ipaglaban ang kanilang karapatan bilang babae, God bless you all,” ang buong mensahe ni Pokey.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending