IN FAIRNESS, may point naman ang talent manager at content creator na si Ogie Diaz sa latest post niya tungkol sa isinasagawa niyang acting workshop.
Sa kanyang Facebook account, ibinandera ni Papa O ang kanyang hugot sa kanyang Ogie Diaz Acting Workshop Batch 156. Dito, humingi siya ng paumanhin sa lahat ng kanyang mga estudyante.
“Humingi ako ng sorry sa mga estudyante ko sa acting workshop nitong batch 157 last March 23-24,” simulang pagbabahagi ng online host.
“Kasi, namura ko yung iba, lalo na yung mga di nakakasunod ng instructions, hindi iniintindi ang script, yung itinuro mo na yung tama, pero mali pa din ang ginagawa.
Baka Bet Mo: Gusto n’yo bang sumunod sa yapak nina Coco, Joshua, Arjo, Paulo, Jane at Janella?
“Kaya sa ending ng workshop, nag-sorry ako sa kanila. Dahil ang inisip ko ay baka me bata pang mag-react at sabihing, ‘Bakit n’yo ako minumura? Hindi p*ta ang nanay ko!’
“Buti na lang, laos na yung ganu’ng dayalog na uso nu’ng 70s bilang sagot sa ‘put-ng ina mo!’
“Tinatanong ko din ang mga bata kung na-offend, nasaktan. Hindi naman daw,” lahad pa ni Papa O.
Ang paliwanag daw ng talent manager sa kanyang worshoppers, “Sabi ko sa kanila, tine-train ko na silang tumibay ang sikmura nila sa workshop pa lang.
“Para kapag napagalitan at namura at ipapahiya sila ng direktor sa set kapag artista na sila, ‘Hindi na kayo iiyak kasi maaalala n’yo ako. ‘Nako, eto na yung sinasabi ni Sir Ogie, kaya ko to, hindi ako kailangang magalit o magtampo sa direktor. Mino-motivate lang ako nito,” aniya pa.
Baka Bet Mo: Jericho sumabak pa rin sa acting workshop sa New York kahit ‘best actor’ na sa Pinas
Pagpapatuloy ni Ogie, “Kinwento ko rin sa kanila yung na-viral na teacher na binungangaan yung mga estudyante na mga walang mararating sa buhay, dahil mga hindi nakikinig at hindi na nirerespeto ang kanyang propesyon bilang guro.
“For all we know, si mam, tsina-challenge lang niya ang mga estudyante niya. Kailangan niyang insultuhin yung estudyante para matauhan at para mag-behave sa klase at sipagin sa pag-aaral.
“Balang-araw, pag naging successful yung bata sa buhay, hindi niya makakalimutan si mam na uminsulto sa kanya, babalikan niya ito at sasabihin niyang, ‘O, mam, successful na akong lawyer, o doktor, o businessman o engineer, ano yung sinasabi mong wala akong mararating?’
“Eh, paano kung hindi mag-sorry si mam? At sabihin niyang, ‘Ininsulto kita para i-motivate ka at patunayan sa aking mali ako. Congratulations at successful ka na ngayon, anak,’” mariing pahayag ni Ogie Diaz.