Gusto n'yo bang sumunod sa yapak nina Coco, Joshua, Arjo, Paulo, Jane at Janella? | Bandera

Gusto n’yo bang sumunod sa yapak nina Coco, Joshua, Arjo, Paulo, Jane at Janella?

Ervin Santiago |December 18,2022
facebook
share this

Gusto n’yo bang sumunod sa yapak nina Coco, Joshua, Arjo, Paulo, Jane at Janella?

Ervin Santiago - December 18, 2022 - 07:35 AM

Gusto n'yo bang sumunod sa yapak nina Coco, Joshua, Arjo, Paulo, Jane at Janella?

Ed Capulong, Chalen Lazerna, Rochelle Everdeen, Rahyan Carlos, Liza Dino at Ice Seguerra

SINU-SINO nga kaya ang susunod sa mga yapak nina Coco Martin, Jake Cuenca, Christian Bables, Joshua Garcia, Julia Barretto, Arjo Atayde, Paulo Avelino, Joshua Garcia, Janella Salvador at Charlie Dizon?

Kahit wala pa rin silang prangkisa hanggang ngayon at limitado ang mga pinagpapalabasan ng kanilang mga programa, mukhang mas lalo pa ngang pinabongga ang mga pasorpresa nila para sa mga Kapamilya.

Bago matapos ang 2022, muling sumabak sa isang hybrid face-to-face workshop sina Direk Rahyan Carlos kasama ang kanyang coaches at mentors  sa Toronto, Canada sa pakikipagtulungan kina  Rechelle Everden at Chalen Lazerna ng AMP Studios Canada, ang opisyal na partner ng ABS-CBN’s Star Magic for Acting, Voice and Dance Workshops sa Canada.

Ginanap ang face-to-face workshops para sa Acting and Voice nitong nagdaang December 14 at 15.

Last August pa sinimulan ang online training at workshops last at nito ngang nakaraang December 16 ay nagkaroon din ng voice workshop with guest performing artist, ang OPM icon na si Ice Seguerra.

Ang head ng Star Magic Artist Training and Workshops na si Direk Rahyan ang only Pinoy certified Chubbuck Technique premiere acting teacher sa Pinas.

Hinubog niya ang ilan sa award-winning aktors tulad nina Christian Bables, Joshua Garcia, Jane De Leon, Coco Martin, Julia Barretto, Jake Cuenca, Liza Diño-Seguerra, Anna Luna, EJ Falcon, Alora Sasam, Ynna Asistio, Roco Nacino, Sandino Martin, Arjo Atayde, Paulo Avelino, Joshua Garcia, Janella Salvador, Charlie Dizon, at marami pang iba.

Si Star Magic Workshops Head, Direk Rahyan ay hinubog ng world renowned acting teacher na si Ivana Chubbuck sa Hollywood na siyang mentor ng  mga award winning actors tulad nina Halley Berry, Charlize Theron, Beyonce Knowles, Ian Somerhalder, Brad Pitt, Jim Carrey, Jake Gyllenhaal, Sylvester Stallone, Jared Leto, Gal Gadot, Judith Light at marami pang iba.

Nang dumating ang pandemya at humina ang ekonomiya, hindi nag-aksaya si Direk Rahyan at ang Star Magic Workshops sa paghahanap ng paraan para mabago at mag-adapt sa virtual workshops at trainings.

“In April 2020, after a month-long of intensive studying, auditing classes abroad and transposing modules online with my teachers, we resumed the training for acting, dance, voice and conversational tagalog via zoom. And it worked!” pahayag pa ni Direk Rahyan.

Noong June, 2020, nagkaroon ang Star Magic ng soft launch para sa online workshops.

“We had 300 students all over the world during the pandemic from 22 participating countries such as England, London, New Zealand, Singapore, Japan, Australia, Florence Italy, Virginia, New York, L.A., Guam, Malaysia, Papua New Guinea, France, New Jersey, Dubai, Qatar and Canada.

“We had live and recorded online recitals and culminating activities of all our workshops and people were so entertained and cheered for their loved ones who participated in the online training,” lahad pa ni Direk Rahyan.

Nagkaroon din ang Star Magic ng pinakaunang online workshop para sa mga kalahok sa Canada sa pakikipagtulungan ng AMP Studios Canada- ang artist training arm at production company na nabuo noong taong 2019 sa Ontario Canada.

Ito ay nagbibigay edukasyon at training programs sa mga aspiring sa larangan ng performing arts.

Bukod sa artist training, sila ay aktibo ring nagbibigay ng suporta sa pang-lokal na proyekto ng Filipino-Canadian communities.

Ang misyon nito ay ang magsanay at magdiskubre ng talento upang maging award-winning at world-class artists sa kani-kanilang mga larangan ng kadalubhasaan at mag makapaglahad ng kalidad na penikula at serye sa telebisyon kasama ang mga AMP Canada’s homegrown talents.

Para sa mga nais pang hasain ang galing nila sa acting, dancing and singing, join na kayo sa mga bonggang Star Magic workshops.

Robin super proud kay Kylie: Nakagawa ako ng action star na hindi fake, totoong nanggugulpi at tumatambling

Sino kina Julia, Charlie at Janine ang bagay gumanap na kabit sa Pinoy version ng ‘Doctor Foster’?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Joshua napiling leading man ni Jane para sa muling paglipad ni Darna?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending