Marian bad trip ba 'pag sinasabing'nakakatakot siyang katrabaho?

Marian naba-bad trip ba ‘pag sinasabing ‘nakakatakot’ siyang katrabaho?

Ervin Santiago |March 27,2024
facebook
share this

Marian naba-bad trip ba ‘pag sinasabing ‘nakakatakot’ siyang katrabaho?

Ervin Santiago - March 27, 2024 - 07:30 AM

Marian naba-bad trip ba 'pag sinasabing 'nakakatakot' siyang katrabaho?

Max Collins at Marian Rivera

WALANG nararamdamang galit o pagka-offend ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera kapag sinasabing “intimidating” ang kanyang dating.

Karaniwan kasi niyang naririnig at nababalitaan na ito ang first impression sa kanya ng mga kapwa artista, lalo na ng mga nakakatrabaho niya sa teleserye at pelikula.

“Okay lang iyon, ganoon talaga, normal lang iyon. Parang lahat naman ng tao parang kapag bago talaga, ganoon ang nararamdaman nila, so, okay lang,” ang pahayag ni Marian sa mediacon para sa comeback TV series niyang “My Guardian Alien” last March 21.

Baka Bet Mo: Bela Padilla ‘agaw-eksena’ sa dinaluhang kasalan sa Italy

Sa isang bahagi kasi ng presscon ay natanong ang isa sa cast members ng naturang serye, ang veteran actress na si Marissa Delgado kung kumustang katrabaho si Marian.

Gumaganap ang beteranang aktres sa serye bilang masungit na biyenan ni Katherine, ang karakter naman ni Marian.

“Okay naman. Okay naman, di ba?” sabay tingin kay Yanyan. Pero inamin niyang  natakot siya sa unang pagsasama nila sa isang proyekto.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Minsan lang kami nagkakaeksena, but lately, this is what I felt. Parang close na. It’s more than just hi, hello. At saka nu’ng una natatakot ako, hindi na ngayon. Medyo ilag ako, siguro dahil tagahanga niya ako. Gandang-ganda ako sa batang ito,” saad pa ni Marissa.

Bukod sa veteran star, inamin din ng ilang kasamahan ni Marian sa serye na ganoon din ang pakiramdam nila sa wifey ni Dingdong Dantes, pero kabaligtaran ito ng kanilang “takot.”

Baka Bet Mo: Jodi walang pinipiling katrabaho: ‘Basta ang mahalaga yung seryoso sila at professional’

Reaksyon dito ni Marian, “Walang ano sa akin iyon. Kaya nga ang sinasabi ko, nakatrabaho mo na ba ko o hindi pa? Kailangan makatrabaho mo ako.”

Samantala, ito ang kauna-unahang pagkakataon na magtatambal sina Marian at Gabby Concepcion. Ilang beses na kasing napurnada ang kanilang pagtatambal.

Sa pagkakatanda ni Marian, apat na beses nang hindi natuloy ang mga projects na dapat sana’y gagawin nila sa GMA, kabilang na ang “My First Yaya” na napunta kay Sanya Lopez.

Mapapanood na sa GMA Prime ang latest fantasy drama series ng GMA na “My Guardian Alien” simula sa April 1 mula sa direksyon ng award-winning direktor na si Zig Dulay.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ka-join din dito sina Gabby Eigenmann at Max Collins, Raphael Landicho, Josh Ford, Caitlyn Steve, Christian Antolin, Kiray Celis, Kirst Viray at marami pang iba.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending