Sheryl na-starstruck kay Ate Guy; Martin may pa-Tortang Talong

Sheryl na-starstruck kay Ate Guy; Martin may pa-Tortang Talong!

Ervin Santiago |March 27,2024
facebook
share this

Sheryl na-starstruck kay Ate Guy; Martin may pa-Tortang Talong!

Ervin Santiago - March 27, 2024 - 06:00 AM

Sheryl na-starstruck kay Ate Guy; Martin, Katrina may pa-Tortang Talong

Bobby Andrews, Nora Aunor at Sheryl Cruz

HINDI napigilan ng Kapuso actress at singer na si Sheryl Cruz ang magpaka-fan girl nang makita up close and personal ang Superstar na si Nora Aunor.

Inamin ng seasoned actress na na-starstruck siya nang makasama ang National Artist sa taping ng GMA afternoon series na “Lilet Matias, Attorney-At-Law.”

Baka Bet Mo: Ellen hinamon ng netizens para sa susunod na shower video ni Derek: ‘Talong reveal naman diyan!’

May special participation kasi si Ate Guy sa kauna-unahang legal serye sa Pilipinas na pinagbibidahan nina Jo Berry, Jason Abalos at EA Guzman.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jo Berry (@thejoberry)


Sa kanyang Instagram page, nag-post si Sheryl ng litrato nila ng nag-iisang Superstar kasama ang co-star nila sa serye na si Bobby Andrews.

Sey ni Sheryl sa kanyang caption, “Star struck! Kasama ang nag-iisang Superstar, Miss Nora Aunor with Bobby Andrews.

“On location for Lilet Matias, Attorney At Law,” sabi pa ng aktres.

Ang “Lilet Matias, Attorney-At-Law” ang magsisilbi ring reunion project nina Nora Aunor at Jo Berry matapos silang magsama noon sa “Onanay.”

Napapanood ang “Lilet Matias, Attorney-At-Law” sa GMA Afternoon Prime at Pinoy Hits.

* * *

Sabi nga nila, maraming kuwentong pag-ibig ang nabubuo mula sa pagkain. Ngayong Linggo (March 31), tuklasin ang iba’t ibang putahe ng pagmamahal sa espesyal na handog ng GMA Public Affairs na “Recipes of Love.”

Sa naturang drama special, tiyak bubusugin ng “Recipes of Love” ang mga manonood sa mga kuwentong hango sa tunay na buhay at pagbibidahan ng ilan sa mga kilalang aktor ngayon.

Baka Bet Mo: Hugot ni Sheryl Cruz: Hindi ako mahilig sa iskandalo, ang focus ko ngayon ay trabaho

Para sa unang recipe, susubukan nina Kapuso actress Katrina Halili at sought-after Sparkle actor Martin del Rosario na ipaglaban ang kanilang pag-ibig sa “Tortang Talong with Tuna.”

Single mother of two si Gemmalyn (Katrina). Nagsusumikap siya na palaguin ang maliit niyang karinderya para sa mga anak.

Likas na mahilig magluto si Gemmalyn, kaya maging sa pagtitinda ay nag-iimbento siya ng simpleng mga recipe na binabalik-balikan ng kanyang mga customer. Isa sa mga sikat niyang lutuin ang tortang talong na may tuna.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Martin del Rosario (@martinmiguelmdelrosario)


Sa karinderya niya rin nakilala ang kaniyang kasintahang si Jonathan  (Martin) na suki ng mga luto niya.  Noong una ay bumibili lang ng ulam si Jonathan kay Gemmalyn, hanggang sa naging malapit ang loob ng dalawa.

Malaki ang pasasalamat ni Gemmalyn na nabiyayaan siya ng lalaking tinanggap ang pagkatao niya. Tanggap kasi ni Jonathan pagkakaroon niya ng dalawang anak.

Pero si Jonathan pala, mula sa mayamang pamilya na malawak ang mga lupain sa probinsya. Nang pinakilala ni Jonathan sa kaniyang pamilya si Gemmalyn ay tumututol agad ang mga ito. Niyurakan nila ang pagkatao ni Gemmalyn at pilit nilang inilalayo kay Jonathan.

Kakayanin bang tiisin ng magkasintahan kung sukdulan na ang pagpapahirap sa kanilang dalawa?

Huwag palampasin ang unang putahe ng “Recipes of Love” na “Tortang Talong with Tuna” ngayong Linggo, March 31, bago ang “The Atom Araullo Specials” sa GMA Network.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Abangan din ang pangalawang kuwentong ihahain sa May 19 tampok naman sina Max Collins at Luis Hontiveros.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending