Aktres pinanggigilan ng kasamahan sa pagiging late, 'di nagbago?

Aktres pinanggigilan ng mga kasamahan sa pagiging late, ‘di nagbago?

Reggee Bonoan |March 26,2024
facebook
share this

Aktres pinanggigilan ng mga kasamahan sa pagiging late, ‘di nagbago?

Reggee Bonoan - March 26, 2024 - 07:06 PM

Aktres pinanggigilan ng mga kasamahan sa pagiging late, 'di nagbago?

LUKANG-LUKA ang co-actors at buong production people ng isang movie outfit sa aktres dahil 6AM ang call time at dumating sa set ng 6PM.

Humingi naman daw ng dispensa ang aktres dahil na-overlook niya ang oras bukod pa sa gumimik siya kinagabihan kaya hindi siya nagising at hindi rin siya ginising ng kanyang kasama sa bahay.

Pinatawad na si aktres dahil wala namang magagawa ang lahat kahit magreklamo sila dahil tapos na kaya solusyon na lang ang gawin.

Baka Bet Mo: Sikat na aktres nakipaghiwalay sa dyowang aktor dahil utos ng management; Ilang ABS-CBN programs mapapanood na sa Canada

Pero naulit ulit kaya tumalak na ang bossing ng production na nagmamadali sila dahil may hinahabol na playdate at sinabi nitong siya ang mapuputukan ng producer sa delay ng pelikula.

Dedma lang daw ito na parang walang narinig kaya lalong nanggigil ang lahat dahil stress na nga sila, samantalang itong bida ng blind item ay chill-chill lang.

“Nakarating na sa producer ng pelikula at pinatawag ‘yung key people sa prod, hayun sinabing ayusin na ng shoot at dedmahin na lang si (aktres). Naloka ang lahat kaya ‘yung duda nilang baka may eme-eme ang aktres at ang producer ay totoo nga, e, kasi di ba? Ano sa palagay mo?” kuwento ng assistant ng co-actor ng aktres.

Hmm, parang nasulat na namin dito sa BANDERA dati na may ‘something’ sina producer at aktres kaya sobrang spoiled nito kahit wala pa namang napapatunayan sa career.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending