Jennylyn, Dennis umamin…nag-aaway din: Pero hindi kami nagsisigawan

Jennylyn, Dennis umamin...nag-aaway din: Pero hindi kami nagsisigawan

Jennylyn Mercado at Dennis Trillo kasama si Baby Dylan

NAG-AAWAY at nagkakatampuhan din ang Kapuso celebrity couple na sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo.

Tulad ng ibang mag-asawa, may mga pagkakataon ding nagkakaroon ng isyu at problema sa kanilang pagsasama ang Kapuso Drama King at Kapuso Ultimate Star.

Sa panayam kay Jen ng “Fast Talk with Boy Abunda” last Friday, March 22, natanong siya tungkol sa pagsasama nila ni Dennis bilang married couple.

Sey ng aktres, tulad ng ilang eksena nila ni Xian Lim sa GMA series na “Love. Die. Repeat” na malapit nang magtapos, dumadaan din sila ni Dennis sa mga pagsubok.

Baka Bet Mo: Derek, Ellen 3 beses pa lang nag-aaway: Pareho kaming may strong personality, pero…

Aniya, nagkakatampuhan din sila ng kanyang asawa, pero agad naman daw nila itong nire-resolve at hangga’t maaari ay hindi na pinatatagal pa para hindi na humaba at lumala.

“Tahimik kami mag-away. Hindi kami ‘yung nagsisigawan. Yung kapag meron nang naiinis, kapag may pabalang na ‘yung sagot, stop muna. Hiwalay muna tayo ng mga ilang minuto, ilang oras,” paliwanag ni Jen.

Nagkakaayos din sila agad kapag may isa sa kanila ang nanuyo at sumuko sa “laban”, “After nu’n kapag okay na ‘yung isa sa amin lalapit na ‘yung isa tapos, kunwari ako ‘di pa okay tapos siya okay na, kapag may lumambing na, hindi na, bigay ka na.


“Ganu’n din ako sa kanya. Talagang gano’n lang kaming mag-asawa,” sey pa ng aktres.

Baka Bet Mo: Melai Cantiveros aminadong pinagseselosan si Ivana Alawi: ‘Hinuhuli ko siya!’

Sey pa ni Jen, hindi talaga madali ang pag-aasawa dahil panghabangbuhay na itong commitment, “Importante ‘yung bigayan, mahabang pasensya, pag-iintindi saka laging mangingibabaw ang pagmamahal.”

Matatandaang ikinasal sina Jennylyn at Dennis noong November, 2021 at biniyayaan ng isang anak, si Dylan Jayde na magtu-two years na sa April 25, 2024.

Kasama rin nila ngayon sa kanilang bahay ang kani-kanilang anak na sina Jazz (anak ni Jen kay Patrick Garcia) at Calix (anak ni Dennis kay Carlene Aguilar).

Read more...