Albie knows na hindi welcome sa burol ni Jaclyn

Albie hindi welcome sa burol ni Jaclyn: So, bakit ako makikiramay?

Ervin Santiago |March 23,2024
facebook
share this

Albie hindi welcome sa burol ni Jaclyn: So, bakit ako makikiramay?

Ervin Santiago - March 23, 2024 - 05:57 PM

Albie knows na hindi welcome sa burol ni Jaclyn: So, bakit ako makikiramay, di ba?

ALAM naman daw ni Albie Casino na hindi siya welcome sa burol ng namayapang aktres na si Jaclyn Jose kaya bakit pa raw siya pupunta.

Nagpakatotoo ang aktor sa kanyang naging sagot nang matanong kung nakiramay ba siya sa pamilyang naulila ni Jaclyn, partikular na sa anak nitong si Andi Eigenmann.

Knows naman ng lahat na hanggang ngayon ay hindi pa rin nagkakaayos sina Andi at Albie matapos ang kontrobersiyang kinasangkutan nila ilang taon na ngayon ang nakararaan.

Si Albie kasi ang itinuro ni Andi na siyang tatay noong ipinagbubuntis pa lamang niya si Ellie pero eventually ay inamin ni Jake Ejercito na siya ang tunay na ama ng bata.

Kanina, sa presscon ng bagong Vivamax Original movie ni Albie na “Kasalo”, natanong nga siya tungkol sa pagpanaw ng nanay ni Andi.

Baka Bet Mo: Bahagi ng cremated remains ni Jaclyn Jose dinala ni Andi sa Siargao

Sabi ni Albie, “Unang-una, I just wanna say rest in peace Ms. Jane (tunay na pangalan ni Jaclyn), saka condolences sa lahat ng tao na nagmamahal sa kanya. Pero hindi naman ako apektado du’n.”

“I don’t think my presence would be welcome there, so ba’t ako makikiramay, di ba?” ang dugtong pang pahayag ni Albie.

Samantala, talagang napalaban din sa matitinding sex scenes si Albie sa bagong pelikula niyang “Kasalo” with Vivamax sexy stars Vern Kaye at Mia Cruz. Sa trailer pa lang ay may mga pasabog na siyang intimate scenes.

Iikot ang kuwento ng pelikula sa mga nakakalokang karanasan ng mga pasahero sa mga ride-hailing company mobile app. Mapapanood na ang “Kasalo” sa Vivamax simula sa March 26, mula sa direksyon ni HF Yambao.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending