Cristine nagtapat kung bakit naghiwalay sila ni Ali

Cristine nagtapat kung bakit naghiwalay sila ni Ali: ‘We’re both not ready’

Pauline del Rosario |March 23,2024
facebook
share this

Cristine nagtapat kung bakit naghiwalay sila ni Ali: ‘We’re both not ready’

Pauline del Rosario - March 23, 2024 - 09:58 AM

Cristine nagtapat kung bakit naghiwalay sila ni Ali: ‘We’re both not ready’

PHOTO: Instagram/@mralikhatibi

SA kauna-unahang pagkakataon, ibinunyag na ni Cristine Reyes ang tunay na dahilan kung bakit naghiwalay sila ng dating mister na si Ali Khatibi.

Pag-amin niya, hindi pa kasi sila ready noon sa buhay mag-asawa at ang pagiging magulang sa anak nila na si Amarah.

“Are you on good terms with Amarah’s dad?” tanong ng broadcaster na si Karen Davila sa isang interview na ibinandera sa YouTube noong March 21.

Ang sagot ni Cristine, “Casual.”

“I don’t want to always put my guard down kasi I don’t want to get hurt; that’s why my guards are up,” paliwanag niya.

Baka Bet Mo: Cristine 6 years nang single, balak ipa-background check ang mga manliligaw: ‘Masaya naman ako kahit walang lalake!’

Inusisa pa ni Karen ang tungkol sa hiwalayan noon ng dating mag-asawa at dito na inamin ng aktres na pareho silang hindi handa noon.

“It didn’t work out because we’re not mature enough to handle the responsibility of being mom and dad, and being in a marriage. [We were] both not ready,” deretsahang sabi ni Cristine.

Pati ngayon daw, hindi pa rin handa ang aktres na muling magpakasal.

Ayon sa celebrity mom, kahit masaya siya sa piling ng actor boyfriend na si Marco Gumabao, para sa kanya ay masyado pang maaga upang mag-isang dibdib sila.

“Sinabi ko na mas gusto ko sana na non-showbiz na [‘yung partner] ko, but it’s unexpected that we developed into something, into partnership, into love,” sey niya.

Saad pa ng aktres, “Tsaka na lang natin pag-usapan [ang marriage]. Masyado pa kasing maaga.”

Pinagsabihan din ni Cristine ang kanyang fans na mag-“relax” na muna dahil hindi pa nagpo-propose ang aktor sa kanya.

“Aside from my daughter who gives color to my life, Marco gives ‘yung ngiti. [‘Yung puso ko] nakangiti,” dagdag ng celebrity mom.

Kung maaalala, taong 2015 nang isinilang ni Cristine ang anak nila ni Ali –makalipas ang isang taon nang ikinasal sila.

Taong 2019 naman nang kinumpirma ng aktres ang paghihiwalay nila ng dating asawa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nitong Pebrero naman nang ibinunyag niya na mahigit isang taon na silang annulled ni Ali.

Samantala, noong April last year nang kumpirmahin sa publiko ang tunay na relasyon nina Cristine at Marco.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending