Marco ibinunyag ang sikreto sa relasyon nila ni Cristine

Marco ibinunyag ang sikreto sa relasyon nila ni Cristine, ano kaya ito?

Pauline del Rosario |December 10,2023
facebook
share this

Marco ibinunyag ang sikreto sa relasyon nila ni Cristine, ano kaya ito?

Pauline del Rosario - December 10, 2023 - 01:24 PM

Marco ibinunyag ang sikreto sa relasyon nila ni Cristine, ano kaya ito?

PHOTO: Instagram/@gumabaomarco

SA kauna-unahang pagkakataon ay nag-open up ang aktor na si Marco Gumabao patungkol sa kanyang lovelife.

Sa panayam ng ABS-CBN News, ibinunyag ni Marco ang sikreto sa masayang relasyon nila ng aktres na si Cristine Reyes.

“Actually, sobrang okay kami ni Cristine. We understand each other a lot. Kumbaga we ground our relationship to God and ‘yun ang pinaka importante sa aming dalawa. So yeah, everything is good,” sagot niya.

Nang tanungin siya kung ano ang mga na-discover niya sa aktres na hindi nakikita sa harap ng camera.

“Well, si Christine sobrang maalaga,” sey ni Marco.

Patuloy niya, “She really cares about me and of course, ako rin. We both care about each other and ‘yung pinaka importante is we always put God in the center in our relationship.”

“Of course, there will be always bumps along the road but as long as you’re intertwined with God, kumbaga your relationship will be stronger,” saad pa niya.

Baka Bet Mo: Marco Gumabao ramdam na si Cristine ang kanyang ‘the one’: Hindi naman ako magsasayang ng oras kung hindi ko nakikita ang tao for the end game

Kasunod niyan ay diretsahan na rin siyang tinanong kung nagpa-plano na rin bang magpakasal ang dalawa at diyan naibunyag ni Marco na mag-iisang taon pa lang silang mag-dyowa ni Cristine.

“We talk about the future, of course. Pero in terms of that [wedding], wala pa for now. Wala pa kaming one year, guys. Relax lang muna,” sambit niya.

Aniya pa, “Mag-a-anniversary pa lang kami in a few months. So yeah, we’re very excited.”

Bilang nabanggit na nga ang kasalan, siyempre, kinamusta rin ng reporter ang relasyon ni Marco at ang anak ni Cristine na si Amarah Khatibi.

Ayon sa aktor, magkasundo naman sila ng tsikiting lalo na’t nagkaka-bonding sila sa tuwing isinasama ng aktres ang anak sa trabaho.

Follow-up question pa sa kanya, “nagpa-practice ka na ba maging tatay?”

“Siyempre,” sagot naman ni Marco.

“You know what, it’s fun. It’s also a sense of responsibility ‘diba. Kumbaga kung dati, ako medyo happy-go-lucky…Hindi na ako bumabata, tumatanda na ako,” chika pa niya.

Sa huli ay binanggit ni Marco ang kanyang Christmas plans, “Sasama ako kay Cristine sa Baguio with her family naman after Christmas and for Christmas family [ko ang kasama].”

Matatandaan noong Abril nang maging Instagram official ang celebrity couple.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pero bago ‘yan ay matagal nang nababalita na magkarelasyon na sina Cristine at Marco dahil ilang beses na silang nakitang magkasama sa iba’t ibang lugar na pinupuntahan nila.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending