Jon Lucas niregaluhan ni misis ng brand new car worth P2-M

Jon Lucas niregaluhan ni misis ng brand new car na nagkakahalaga ng P2-M

Ervin Santiago |March 21,2024
facebook
share this

Jon Lucas niregaluhan ni misis ng brand new car na nagkakahalaga ng P2-M

Ervin Santiago - March 21, 2024 - 10:39 AM

Jon Lucas niregaluhan ni misis ng brand new car na nagkakahalaga ng P2-M

Shy Feras at Jon Lucas

ANG bongga naman ng wifey ng Kapusop actor na si Jon Lucas! Talagang kinarir nito ang nakakalokang pa-surprise niya para sa kanyang asawa.

E, kasi nga guys, niregaluhan lang naman ang dating Hashtag member ng asawa niyang si Shy Feras ng brand new car na nagkakahalaga ng tumataginting na P2 million.

Baka Bet Mo: Jon Lucas ‘most hated villain’ sa primetime TV; teaser ng ‘Firefly’ nakakuha agad ng 1-M views sa loob lang ng 12 oras

Ibinalita ng kontrabida ni Ruru Madrid sa Kapuso series na “Black Rider” sa kanyang Instagram followers ang ginawang pasorpresa sa kanya ng asawa at iba pa nitong kasabwat.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jon Lucas (@lucas_aljhon)


Ayon kay Jon, March 19 nangyari ang isa sa mga hinding-hindi niya malilimutang eksena sa kanyang buhay na talagang nagpaluha sa kanya (tears of joy daw).

Nagsimula raw ang lahat sa simpleng imbitasyon ng isa niyang kaibigan para sa isang “treat” na nauwi sa biggest surprise na natanggap niya mula kay Shy.

“Nagbantay lang tayo kanina sa Kapilya. Nanalangin bago umalis,” ang simulang sabi ni Jon sa caption ng kanyang IG post.

“Matagal na ako humihiling ng materyal na bagay pero sabi ko para po sa HANAP BUHAY, lalo na po sa PAGLILINGKOD,” dagdag pa niya.

Baka Bet Mo: Yassi Pressman hiwalay na raw sa dyowang negosyante, cryptic post usap-usapan sa socmed: ‘Not triple, not double, but SINGLE’

Kuwento ng aktor at dating member ng grupong Hashtag, inimbita siya ng friend niyang si Paul sa SM Mall of Asia, “Libre raw niya kami kasi naka sahod na siya. Game agad kami ni Misis @shyyyferas.

“Sabi ko dapat kasama kapatid ko si CK LUCAS tsaka si @luigivcruz kasi doon naman siya nagwowork sa MOA.

“Nangako sila ng Seafood Island kaya talagang excited ako kanina (emoji) Nakaidlip ako sa GRAB pag gising ko nandon kami sa BICUTAN,” pagpapatuloy ni Jon.

Habang papunta na ng MOA, sinabi ng driver kay Jon na, “‘Sir may dadaanan lang akong parts.’

“Di na ako sumagot. Maya maya bumalik may kasamang Mechanic sabi ‘Sir baba na po kayo magbook nalang, pasensya na talaga need po pala ayusin preno ko.’

“To make it short. Walang PUPUNTA NG MOA,” chika ng aktor.

Wala siyang kaalam-alam na planado at scripted pala ang lahat ng nangyayari nu’ng araw na yun. Kasabwat din pala ang Grab driver at ang mekaniko.

“Lahat pala magkakasabwat na. Ang gagaling umarte. Wala akong nafeel na may SURPRISE!

“Ngayon ko lang lubusang naiisip na bakit nagvivideo asawa ko mula sa labas hanggang makapasok kami.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jon Lucas (@lucas_aljhon)


“Hindi ko maimagine na may mangyayari doon sa showroom. Pinasakay ko pa mga anak ko don sa mga sasakyan na nandon.

“Paulit-ulit pa ako sakanila na bilisan na at mag GRAB na papuntang MOA. GRABE TO!” pagbabahagi pa ng Kapuso star.

Patuloy pa niya, “May video po ata si misis guys. Ewan if uupload po nila, pero hindi ko na mapigilan to nararamdaman ko.

“Gusto ko ng sabihin sainyong lahat na NAPAKABUTI PO NG PANGINOONG DIYOS,” aniya pa.

Nagpasalamat naman si Jon sa lahat ng tumulong sa kanyang misis para isorpresa siya kabilang na ang service center ng pinagbilhan ng bago nilang sasakyan sa Bicutan, Parañaque.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Base sa post ng aktor, ang napiling car ni Shy ay isang Platinum White Pearl Mica Toyota Fortuner 2.4 V variant with 6-speed automatic transmission na may tag price na mahigit P2 million.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending