Tom sa 2 taon pagtira sa US: Lahat ng importante sa ‘kin nawala

Tom sa 2 taon pagtira sa US: Lahat ng importante sa 'kin nawala

Tom Rodriguez

MALAYUNG-MALAYO ang naging takbo ng buhay ni Tom Rodriguez sa Amerika sa iniwan niyang showbiz life sa Pilipinas halos tatlong taon na ngayon ang nakararaan.

Ngayong nagbabalik na sa entertainment industry ang Kapuso actor, umaasa siyang mainit pa rin ang magiging pagtanggap sa kanya ng mga manonood.

In fairness, mukhang game na game si Tom sa pagtatrabaho at umakting uli sa harap ng camera after manirahan nang matagal sa Amerika nang maghiwalay sila ng kanyang ex-wife na si Carla Abellana noong 2022.

Baka Bet Mo: Tom Rodriguez may babala sa netizens: Baka magulat kayo kapag lumabas na ang lahat-lahat

Pero bago siya naka-move on nang bonggang-bongga sa breakup nila ni Carla, talagang dumaan muna siya sa matitinding pagsubok na muntik na niyang sukuan.


Sa panayam ng “Fast Talk with Boy Abunda”, sinabi ng aktor na dalawang linggo lang dapat siya sa US hanggang sa umabot na nga ito ng dalawang taon.

Naging simple lang ang buhay niya sa Amerika kasama ang kanyang pamilya, “Meron kang parang simpleng routine. Hindi katulad minsan sa showbiz na medyo fast-paced at maraming nangyayari.

“At any moment, pwedeng may trabaho kang ganito, pwedeng may ganyan. Doon, ‘yung routine mo parang plantsado, paggising mo, ito gagawin mo.

“Hanggang sa pagtulog mo sa gabi, alam mo kung ano na ‘yung gagawin mo. Oo, alam ko, simple ang buhay pero masarap, like I said,” pagbabahagi pa niya.

Baka Bet Mo: Tom Rodriguez miss na miss pa rin si Carla Abellana, laging iniiyakan

Pagpapatuloy pa niya, “It took a while for it to get there. Like I said, 13 years that I spent here sa Philippines, medyo naiwan ko rin ‘yung buhay ko du’n.

“So, when I went back, I had to reestablish myself, relearn how to drive, get a driver’s license, open up a phone line, open a bank account, start to build my credit there again. So, it took a while. And especially, my own personal growth din,” pahayag pa ng Kapuso star.

Paano siya naka-survive sa Amerika at anu-ano ang naging work niya roon? “I did freelance na mga work with programming. So at least, nagamit ko kahit paano ‘yung passion ko din du’n.”

Pag-amin pa ni Tom, “Lahat ng akala ko importante sa akin, Tito Boy nawala, my finances, lahat, lahat ng ‘yon. So, when I was going there, I was really starting with nothing.”


“But the universe always provides. God always provides. Somehow, I’m able to eat. To sustain myself daily with what I had.

“Of course, at first, you rely on your family, with the help of others. Pero eventually, you’re able to stand on your own two feet, at ang sarap ng ganun. You don’t need that much. Iba ang buhay doon,” dagdag pa niya.

Sa pagbabalik naman niya sa GMA, nabanggit ng aktor na parang nagsisimula siya uli, “I felt like medyo kailangan kong gumapang muna uli bago ako makalakad at bago ako makatakbo.

“So, I’m glad na sa Magpakailanman din nabigyan ako ng chance to act again,” sey ng ex ni Carla.

Tungkol naman sa kanyang comeback project sa GMA, “Actually, Tito Boy, after this, I’m gonna be meeting with the GMA Creatives for a brand new show. So I’m really excited. I have no clue, idea, what it is yet.

“But if I’m gonna base it on previous work that I’ve done for GMA, lalo na ‘yung huli kong project na ginawa for them, which is The World Between Us, kasama sila Alden (Richards), Jasmine (Curtis), Sid Lucero.

“That was such a fulfilling and meaningful project for me. All I know is I have to be ready for it. Because I know, GMA has never done me wrong. They’ve always given me very good material,” lahad pa ni Tom.

Read more...