NAPAKALAKAS at napakatindi ng naging impact ni Johnny Manahan sa buhay at career ng Kapuso actress at fashion icon na si Heart Evangelista.
Forever thankful and grateful ang global fashion influencer sa starbuilder at dating Star Magic head na si Mr. M dahil sa nagawa nito sa kanyang life mula noon hanggang ngayon.
Nagbigay ng madamdaming mensahe si Heart para kay Mr. M sa naganap na surprise tribute party for the Sparkle Consultant titled “Night of 100 Stars”.
Sa video na in-upload ng event host-entrepreneur na si Tim Yap sa kanyang Instagram account, mapapanood ang naging speech ng wifey ni Sen. Chiz Escudero.
Baka Bet Mo: Johnny Manahan todo puri kay Miguel Tanfelix: ‘Magiging Alden Richards din ‘yan’
“I have never given you a blockbuster movie, but indeed you had made my life a movie, with chapters, I still up to this day replay in my mind.
“I’m just ever so grateful for everything that you have done for me and for everybody in this room.
Baka Bet Mo: Mr. M parang nabuhay daw uli dahil sa GMA: Mahirap tanggihan yung offer nila
“Thank you so much Mr. M!” ang buong message ni Heart.
Bukod kay Heart, present din sa naturang event sina Bea Alonzo, Claudine Barretto, Julia Barretto, Pokwang, Kristine Hermosa, Charo Santos-Concio, at marami pang iba.
Sa nasabi ring party muling nagkrus ang landas nina Julia at Bea makalipas silang magkaroon ng away nang dahil kay Gerald Anderson.
Doon din nakitang magkasama uli ang magtiyahin na sina Claudine at Julia na sweet na sweet pang magkayakap habang nagpi-pictorial with the other celebrities na malapit kay Mr. M.