Mega tinuruan si KC na ‘wag umasa sa lalaki; girl power sa 5 serye ng Viu

Mega tinuruan si KC na 'wag umasa sa lalaki; girl power sa 5 serye ng Viu

KC Concepcion, Sharon Cuneta at ang mga bida sa ‘Girl Power’ TagDub ng Viu

NAG-SHARE ng financial advice si Megastar Sharon Cuneta sa panganay na anak nila ni Gabby Concepcion na si KC Concepcion.

Sa isang event, nabanggit ni Shawie na bata pa lang si KC ay talagang palagi na niyang pinapayuhan na maging independent sa murang edad.

“I remember when she was young…(sinasabi ko sa kanya) I don’t need a man to make a living.

Baka Bet Mo: Showbiz couple posibleng mawasak din ang relasyon kapag nagkanya-kanya na ng diskarte sa career

“So that’s what she did, too. Maybe, that’s what’s she’s doing because she saw me working,” pahayag ng actress-singer at TV host.


“I wanted KC to grow up knowing how to fend for herself, and she did that. So that at least, I’m proud of na sinunod n’ya,” dagdag pa niya.

Sa isang panayam noon kay Mega, sinabi niyang, “Ang tao hindi yumayaman sa kinikita niya lang. Yumayaman tayo sa naiipon natin.

“If you earn P10,000 but your expenses amount to P8,000, and you spend half of that on luxury items, then you need to review your priorities.

“Naiintindihan ko na ang necessities pa lang, nakakaubos na ng kita, but you really have to pay yourself first. Ipon ka muna,” payo pa niya.

* * *

Para sa buwan ng Marso, handog ng Viu Philippines ang limang bagong Tagalog-dubbed (Tagdub) series na kung saan tampok ang mga natatanging babaeng karakter.

Baka Bet Mo: Jodi Sta. Maria super happy sa collab ng GMA, ABS-CBN, at Viu: It’s the end of rivalry

Inaanyayahan ang mga “Viu-er” na panoorin at subaybayan ang nakakabighaning mga kuwento ng Viu Original series na “My Lovely Liar” at “The Escape of the Seven,” at mga K-drama na “Something in the Rain” “Missing: The Other Side 2” at ang Chinese drama na “Be Together”.

Si Mok Sol-Hee (ginagampanan ni Kim So-Hyun), na may kakayahang malaman kung sino ang nagsisinungaling, ang bida sa Viu Original na “My Lovely Liar.” Dahil sa kanyang special power, mahirap makuha ang tiwala ni Sol-Hee.

Pero unti-unti mabubuksan ang kanyang isip at puso ng misteryosong si Kim Do Ha (karakter ni Hwang Min Hyun), na isang tanyag na composer.

Isang dalagang nawawala ang sentro ng revenge drama na “The Escape of the Seven”, isa ring Viu Original series.

Pitong tauhan ang masasangot sa kaso, kabilang sina Matthew Lee (ginagampanan ni Uhm K-Joon), lider ng isang mobile platform; production company boss na si Geum La-Hui (ginagampanan ni Hwang Jung-Eum); ang ex-gangster na Min Do-Hyuk (aktor na si Lee Joon); ang maganda pero manlolokong si Han Mo-Ne (Lee Yoo-Bi), ob-gyn Cha Ju Ran (aktres na si Shin Eun-Kyung); ang tusong CEO na si Yang Jin-Mo (Yoon Jong-Hoon), at art teacher na si Go Myoung-Ji (ginagampanan ni Jo Yoon-Hee).


Sa “Something in the Rain,” ang career woman na si Yoong Jin-A (ginagampanan ni Son Ye-Jin), na lampas sa edad na 30, ay magkakaroon ng relasyon sa animator na si Seo Joon-Hee (karakter ng aktor na si Jun Hae-In).

Si Joon-Hee ay mas bata kay Jin-A, at kapatid ng best friend ng dalaga. Bagama’t may age gap, patutunayan ng dalawa na pagdating sa pag-ibig, “age does not matter”.

Sa ikalawang season ng fantasy thriller series na “Missing: The Other Side 2”, tuloy ang kuwento sa Gongdan — lugar na ginagalawan ng mga espiritu.

Ang singer-actress na si Sohee ng girl group na Wonder Girls ang isa sa mga karakter na mag-iimbestiga kung bakit nawala at namatay ang mga tao. Streaming pa rin sa Viu Philippines ang unang season ng “Missing: The Other Side 2”.

At sa C-drama na “Be Together” matutunghayan ang mga kuwento ng career at pag-ibig ng apat na magbabarkadang babae; ang app-developer na si Xia Yan, furniture designer na si Han Shuang, ang doktorang si Xiang Nan at ang broken-hearted bride na si Zhao Xiao Lei.

Panoorin ang episodes ng mga Tagalog-dubbed na series na nang libre sa Viu.Mapapanood din sa naturang streaming platform ang higit sa isang daang Asian titles na dinub sa Tagalog at Bisaya.

Read more...