JulieVer, BarDa, Ruru, Bianca 5 buwan nag-rehearse para sa Canada tour

JulieVer, BarDa, Ruru, Bianca 5 buwan nag-rehearse para sa Canada tour

Ruru Madrid, Bianca Umali, Johnny Manahan, Rayver Cruz, Julie Anne San Jose, Barbie Forteza at David Licauco

LIMANG buwan nag-rehearse sina Julie Anne San Jose, Rayver Cruz, Bianca Umali, Ruru Madrid, Barbie Forteza at David Licauco para sa kanilang Canada Tour.

Talagang kinarir ng nabanggit na mga Sparkle stars ang paghahanda sa  nalalapit nilang “Sparkle Goes to Canada Tour ngayong April. Makakasama rin nila rito ang TV host-comedian na si Boobay.

“For the very very first time, lilipad po kami ng Canada kaya nakaka-excite and at the same time, nilu-look forward din po namin na makita ang aming fellow Kapuso and Global Pinoys there,” ang pahayag ni Julie sa mediacon ng naturang event last March 12.

Super happy naman si Rayver na mabigyan uli ng chance na maka-bonding at makapag-perform sa mga kababayan natin sa Canada.

Baka Bet Mo: Pogi points ni Rayver kay Julie: Araw-araw n’ya akong pinapakilig!

“Ramdam nila ‘yung…siyempre du’n sila nagwo-work, miss na nila ‘yung mga family nila dito, and sa simpleng paggawa ng ganitong show, malaking parte na ‘yun sa buhay nila and para sa amin so excited na kaming makabalik sa Canada,” chika ni Rayver.


Sey naman ni Bianca, limang buwan na silang nagre-rehearse para sa kani-kanilang production number. In fairness, ang ganda-ganda pala ng boses ni Bianca na nagpasampol nga kasama si Ruru sa naganap na presscon.

“Please do join us sa isang gabi that is full of entertainment, fun, and singing, and dancing, and we cannot wait to be with all of you and to play with you kasi marami rin tayong games,” paanyaya ng aktres.

Ito rin ang unang pagkakataon na makakapunta ng Canada sina Ruru, Bianca, Barbie at David.

Sey ni Ruru, “Nakaka-excite din dahil parang pahinga na rin from taping, bukod pa dun makakapagpasaya pa tayo ng mga Kapuso po natin sa Canada,” sabi niya.

Baka Bet Mo: Julie Anne ibinandera ang pagmamahal kay Rayver sa pakilig na birthday message, sagot ng aktor: Mahal kita Jules!

Ayon kay Barbie, bukod sa performance ng bawat Kapuso tandem, kailangang abangan din daw ang separate performance ng mga girls and boys.

“Kaya talagang hindi lang siya talaga maka-categorize as show ng love teams, group siya talaga, team effort din. Marami kaming prods together as a group, so ‘yun po ang maipapakita namin,” sabi Barbie.


Dream come true naman para kay David ang mapasama sa isang concert tour na natagal nang nasa bucket list niya, “I think before ‘yun ‘yung pinapanood ko sa TV na sumasayaw ‘yung mga artista.

“So, like right now, sa Canada, this will be my first time na magawa ‘yun and I think gusto ko siyang – it’s part of my bucket list pero medyo kinakabahan ako, si Rayver na ‘yung bahala,” pagbabahagi ng Pambansang Ginoo.

Ang starbuilder at Sparkle Creative Consultant na si Johnny Manahan o Mr. M ang direktor ng Canada tour.

“Mga ano ‘yan, talented, lalo na ‘yang si Rayver Cruz, maraming tinatago ‘yan. So watch out for it, people in Canada.

“I’m sure the people in Canada will enjoy the show. They’re very talented people, as I’ve said, and looking forward to it,” aniya pa.

Magaganap ang “Sparkle Goes to Canada” sa April 5, sa Southview Alliance Church, Calgary, Canada at sa April 7 sa Toronto Pavilion, Toronto.

Read more...