BINI gumawa ng kasaysayan, may 1.4-M monthly listeners sa Spotify
EMPOWERING at talaga namang girl power ang bagong milestone ng binansagang “Nation’s Girl Group” na BINI kasabay ng pagdiriwang natin ng Women’s Month.
Gumawa sila ng kasaysayan matapos kilalanin bilang P-Pop group with “most monthly listeners on Spotify.”
Sa kasalukuyan, mayroon silang mahigit 1.4 million listeners kada buwan.
“Your Nation’s Girl Group is also now your nation’s top P-Pop group in number of monthly @Spotify listeners [flower emoji]!” caption ng kanilang music label na Star Music sa X (dating Twitter).
Ani pa, “We’re now at [sparkling emoji] 1.4 MILLION+ [sparkling emoji] strong!!! Congratulations, @BINI_ph [heart hands emojis]!”
Baka Bet Mo: Kim Chiu nag-iiyak, nagkulong sa CR nang tuksuhin ng mga kaklase sa school, anyare?
MAKING HERSTORY 🤯🎶
Your Nation’s Girl Group is also now your nation’s top P-Pop group in number of monthly @Spotify listeners! 🌸 We’re now at ✨1.4 MILLION+✨ strong!!! Congratulations, @BINI_ph! 🫶🏼🫶🏼🫶🏼
Follow them on @SpotifyPH: 🔗 https://t.co/57rdOiBKql#BINI… pic.twitter.com/YYs2xpSt6H
— Star Music PH (@StarMusicPH) March 17, 2024
Ang masayang balita ay proud ding ibinandera ng isa sa miyembro ng BINI na si Mikha Lim.
Sa kanyang post, lubos niyang pinasalamatan ang lahat ng sumusuporta sa kanilang grupo.
“We are so grateful and so blessed [heart emoji],” sey niya sa socmed.
Mensahe pa niya sa fans, “Thank you so much for all your support and manifestations for BINI [heart hands emoji] To more blessings and achievements! PPOP Rise [heart hands emoji]”
We are so grateful and so blessed❤️ thank you so much for all your support and manifestations for BINI🫶🏻 To more blessings and achievements! PPOP Rise🫶🏻 https://t.co/7Cdqe1bXjJ
— mikha (@bini_mikha) March 17, 2024
Ang BINI ay sinundan ng Pinoy pop sensation na SB19 na may 1.3 million listeners.
Maliban pa riyan, ang BINI rin ang kauna-unahang P-Pop girl group na nakaabot ng one million mark sa Spotify.
Nakuha nila ang makasaysayang achievement matapos nilang ilabas ang latest album na pinamagatang “Talaarawan.”
Wait, there’s more! Nakatakda silang tumanggap ng parangal bilang “Rising Star” sa Billboard Philippines’ Women in Music Awards sa darating na March 22.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.