HINDING-HINDI makakalimutan ni Barbie Forteza ang mga naging experience niya working with the National Artist Nora Aunor.
For life na raw ite-treasure ng Kapuso Primetime Princess ang lahat ng natutunan at na-discover niya tungkol sa nag-iisang Superstar na si Ate Guy.
Inalala ni Barbie ang ilan sa mga nagmarkang eksena nila ni Nora sa ginawa nilang indie movie noong 2016 na “Tuos” kung saan gumanap silang maglola.
“Noong nag-shoot kami ng ‘Tuos’ sa bundok sa Iloilo. Mayroon kaming eksena roon na kailangan ko siyang ilikas from our house.
“Kailangan namin s’yang ibaybay to the city kasi may sakit na s’ya. Kailangan namin s’yang dalhin sa ospital,” simulang pagbabahagi ni Barbie sa panayam ng GMA Network.
“Tapos medyo mabigat ‘yung eksena. Parang ang eksena, iiyak tapos for some reason ito ‘yung camera, tapos hindi ko sinasadya on cue na tumulo ‘yung luha ko, maganda ‘yung shot.
“E, may nangyaring something, so another (take). Nagalit na nga ‘yung direktor kasi ang ganda sana nu’ng eksena, may something lang na nangyari, hindi ko alam kung ano. So kailangang ulitin.
“Tapos nanalig kaming lahat na sana magawa ko ulit ‘yun. Ako pa naman kapag umiiyak talagang mukhasim talaga.
“So kailangan ganu’n na tulala ka lang like dala mo lahat ‘yung struggles ng lola mo, si Ms. Nora Aunor, tapos ‘yung hirap n’yo. Kailangan mo ulitin na ito lang ulit (isang mata lang ang luluha). Nagawa ko siya.
“Tapos sabi ni Ms. Nora, casual na casual, ‘Buti na lang ikaw rito no,’ ‘yung ganu’n. ‘Buti na lang ikaw ang apo ko rito.’ Tapos after nu’n nu’ng nag-rest day kami, nagluto siya ng Bicol Express!” ang super laugh na chika ni Barbie.
Baka Bet Mo: Vilma inaming nagkaroon sila ng tampuhan ni Nora Aunor
Pahabol pa niyang hirit, “Actually sana mapalagay sa Netflix ‘yung ‘Tuos,’ magandang pelikula ‘yun.”
Sa ngayon, kinakarir na ng girlfriend ni Jak Roberto ang paghahanda sa bago niyang teleserye, ang historical-action drama na “Pulang Araw” kasama ang leading man niyang si David Licauco at sina Sanya Lopez at Asia’s Multimedia Star Alden Richards.
Excited na rin siya para sa “Sparkle Goes To Canada Tour” kasama sina David, Ruru Madrid, Bianca Umali, Rayver Cruz at Julie Anne San Jose.
Magaganap ang unang araw ng “Sparkle Goes To Canada” sa April 5, 2024, sa Southview Alliance Church, Calgary, Canada na susundan ng isa pa sa April 7 sa Toronto Pavillion, Toronto, Canada.