Joed tutulungan si Nora, may planong ipatayo para sa nag-iisang Superstar
Planong ipagpatayo ng The Godfather Productions producer na si Joed Serrano si Nora Aunor ng restaurant along Quezon City area na accessible sa lahat dahil gusto niyang tulungan ang nag-iisang Superstar.
Sa ginanap na physical mediacon para sa pelikulang “Anak ng Macho Dancer” na mapapanood na simula ngayong 7 PM sa KTX.ph ay nabanggit ito ni Joed bukod pa sa pelikulang alok niya sa aktres.
Aniya, “Ang daming naglalaro sa utak ko na pwede kong magawang projects. Uunahin ko muna alongside with my life story itong kay Mama Guy. Umiiral ang pagka-fan ko.”
Plano niyang magsama sa pelikula sina Nora at Congresswoman Vilma Santos.
”Okay naman kay Mama Guy. Pero dumating itong Adolf Alix and Jerry Gracio project na si Wendell Ramos naman ang naglapit sa akin. Mabilis lang ang mga pangyayari.
“So, let’s keep our fingers crossed. Marami pa ‘yan. There will always be a way for things to happen.”
Pati si Maricel Soriano at Sharon Cuneta ay gusto rin niyang gawan ng pelikula.
“I just want to do more films. A movie with Sharon and Maricel. Sana, mapagsama ko rin sila. ‘Yan ang mga dream ko. Masaya lang ako na at this point, marami na ang blessed to have work. Nasa pandemya tayo pero nakatutulong pa rin tayo para umayos ang buhay ng mga tao,” kuwento pa ng producer.
Going back sa restaurant na ipatatayo ni Joed para kay Ms Aunor ay fine dining na affordable ang plano niya at idi-display niya ang memorabilia ng Superstar.
“’Yung mala-Hard Rock Café ang dating. Where ‘yung iba pa niyang memorabilia will be housed. Nakita ko sa mga sine-share ng fans kay direk Adolf sa mga kailangan niya for the movie, ang dami pa pala.
“And siyempre, hindi mawawala roon ‘yung collection of her prestigious awards. Para naman makita, hindi lang ng mga kababayan natin, kundi ng mga turista o taga-ibang bansang kakain at tatapak doon.,” masayang kuwento ni Joed.
Nabanggit namin na maraming restaurant ang nagsasara ngayon dahil sa Covid-19 pandemic.
“Depende kung ano ang ihahain mo sa tao, alam ko okay na ulit ngayon ang mga kainan, marami ng tao ulit, so depende sa location, basta affordable,” sagot ni Joed.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.